• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pepe Herrera, sinariwa ang alaala ni Susan Roces: ‘Noong nagbigay ka ng sobre sa akin… nahiya ako kasi akala ko pera’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
May 24, 2022
in Balita, Metro/Showbiz, Showbiz atbp.
0
Pepe Herrera, sinariwa ang alaala ni Susan Roces: ‘Noong nagbigay ka ng sobre sa akin… nahiya ako kasi akala ko pera’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinariwa ng aktor na si Pepe Herrera ang ilan sa mga alaala niya sa yumaong “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces. Isa na rito noong binigyan siya ng aktres ng isang sobre na inakala niyang pera.

Isa si Pepe Herrera sa mga naging malapit sa yumaong si Susan Roces. Naging close sila sa long time running show na ‘Ang Probinsyano’ na kung saan ginagampanan niya ang karakter ni “Benny” habang si “Lola Flora” naman ang karakter ni Susan. 

“Naalala ko noong binigyan mo ako ng shorts. Excited mong binigay sakin tapos sabi mo suotin ko agad. Pagbukas ko ng supot, may “fake pwet” pala na nakadikit sa likod ng short at tawang tawa ka noong sinuot ko. Ang sarap mo patawanin kasi parehas mababaw ang kaligayahan natin,” saad ni Pepe sa kaniyang Instagram kamakailan.

“Naalala ko noong nanood ka ng Rak of Aegis kahit hindi siguradong makakapunta yung ibang cast ng Probinsyano. Ikaw pa ang tumawag sa akin sa lobby at hindi ko makakalimutan yung ngiti mo na abot tainga. Ang daming tao sa lobby noon, but you made an effort to approach and greet us,” dagdag pa niya.

Dito na rin niya nabanggit tungkol sa sobrang inabot sa kaniya ng batikang aktres na inakasalang niyang pera.

“Naalala ko noong nagbigay ka ng sobre sa akin sa unang pagkakataon at nahiya ako kasi akala ko pera. Nagtaka ako kung bakit mo ako binibigyan ng pera. Pagbukas ko ng sobre, ginupit na news article pala ang laman kung saan nabanggit ang pangalan ko. Nakailang sobre din ako mula sa iyo. Puro news article na pinagkaingatan gupitin ng maayos. Tinago ko lahat. At paguwi ko, gusto ko buklatin ang safety box ko at balikan,” kuwento ng aktor.

Ikinuwento rin ni Pepe na sumama ang loob ni Susan sa kaniya noong umalis siya sa Ang Probinsyano. 

Noong 2017, kinailangang patayin ang karakter niya sa teleserye dahil may personal na dahilan si Pepe kung bakit hindi na niya maipagpapatuloy ang show. Aniya sa kaniyang mga interview, lilipad siya patungong New Zealand para alagaan ang kaniyang ina.
 
“Alam ko medyo sumama ang loob mo sa akin noong paalis na at ng umalis ako ng Probinsyano. Kaya noong nagkita tayo sa reunion, Medyo kinabahan ako sa pagpasok sa kwarto mo para bumati. Nawala agad yung kaba ko noong ang bungad mo sakin ay “Benny!” na may ngiting abot tainga,” saad ni Pepe nang magkita silang muli ng aktres sa reunion.

“Ang sarap tularan ng purity at work ethic mo Lola Flora. Kahit kailan, hindi kita nakitang gumamit ng cellphone sa set. At kahit noong sumama loob mo sakin, binigyan mo ako ng prutas,” dagdag pa niya.

Sa huling bahagi ng kaniyang post, may mensahe siya para sa yumaong aktres. 

“Pinaramdam mo sa akin ang Pagmamahal at pagaaruga na walang halong salapi at walang hinahangad na kapalit. Dadalhin ko Hanggang pagtanda ang Pagmamahal na pinamana mo sa amin. Yakap kita ng mahigpit at Alam ko na Yakap mo din kami ng mahigpit. Masaya ako at Payapa ka na sa paglalakbay ngayon Papunta sa Kanya. Pinapangako ko sa iyo, hindi namin sasayangin ang binhi na naitanim mo. Tuwing mababanggit ang pangalang Benny, ikaw, at ang iyong mga Pamana ang una kong Maaalala. I Love You So Much Lola Flora.”

View this post on Instagram

A post shared by Pepe Herrera (@pepe.herrera)

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/05/22/sidekick-ni-lola-flora-na-si-malou-crisologo-sa-fpjs-ang-probinsyano-binigyang-pugay-si-susan-roces/

Tags: Pepe Herrerasusan roces
Previous Post

Kampo ni Robredo, walang pagtutol sa resulta ng halalan

Next Post

Mga pamilyang nawalan ng tahanan sa sunog sa Pandacan, pinaaayudahan ni Domagoso

Next Post
Mayor Isko sa political families: ‘Ang away ng pamilyang yan walang dinulot na mabuti sa ating bayan’

Mga pamilyang nawalan ng tahanan sa sunog sa Pandacan, pinaaayudahan ni Domagoso

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.