• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

Richard de Leon by Richard de Leon
May 31, 2022
in Balita, Features
0
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

Mga larawan mula sa FB ni Jonna Florlegarda Valdenebro Vigo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagreklamo ang isang umuwing OFW mula sa Hong Kong nang malimas ang kaniyang mga pasalubong na chocolates na nasa loob ng kaniyang maleta, nang kunin na niya ito sa carousel ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ayon sa Facebook post ni Jonna Florlegarda Valdenebro Vigo noong Mayo 23, naghinala kaagad siyang may problema sa kaniyang bagahe nang makita niyang sira ang gilid ng zipper nito at nakaluwa na ang ilan sa mga laman.

Nang buksan ni Vigo ang maleta, nawawala na nga ang mga pakete ng Toblerone na pasalubong sana niya sa kaniyang uuwiang pamilya.

Nagawa pang makuhanan ng litrato ni Vigo ang laman ng kaniyang maleta bago ito lumipad. Makikita nga ang ilang pakete ng chocolates sa loob.

“SHOUT OUT DYAN SA CUSTOM NG CEBU PACIFIC MANILA… ANG GAGALING N’YO… ANO ‘YAN NAGHIHIRAP NA BA KAYO… OR MY PINAGMANAHAN KAYO… HUSTISYA SA MGA NAWALA…” caption niya sa kaniyang Facebook post.

Sa comment section ng kaniyang FB post ay nagpatuloy pa siya.

“‘Yong luggage ko pa check in ko sa Manila ok naman…. nag-add pa nga ako pag check out ko sa Roxas kukunin ko na luggage hindi ko makuha hindi ko ma-claim madaming luggage nawalan tapos sabi sa Manila daw kaya ideliver bukas… umalis na kami sa airport after 10 minutes tumawag sa akin, naroon daw luggage ko nak-wrap na, sabi ko nakita ko na ‘yan hindi ko kinuha kasi hindi akin… dumating Manilla to Roxas airport naka-wrap na… naka-wrap na kasi binutas na nila…”

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang binanggit ng netizen na Cebu Pacific at maging ang NAIA tungkol dito.

Tags: cebu pacificchocolatesJonna Florlegarda Valdenebro Vigoninoy aquino international airportofw
Previous Post

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Next Post

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

Next Post
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

"I feel utterly humiliated to be a Filipino today"; Mike De Leon, proud sa pelikulang 'Itim' pero dismayado

Broom Broom Balita

  • ‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart
  • Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3
  • Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad
  • Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax
  • ‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR
‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

June 8, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

June 8, 2023
Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

June 8, 2023
Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR

June 8, 2023
‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

June 8, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 8, 2023
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

June 8, 2023
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.