• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

MTPB, tinanggal na ang basketball court sa kalye; Mga residente ng Barangay 329, natuwa

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 23, 2022
in Balita, Metro, National / Metro
0
MTPB, tinanggal na ang basketball court sa kalye; Mga residente ng Barangay 329, natuwa

MTPB LOGO/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ikinagalak ng mga residente ng isang barangay na mula sa ikatlong distrito ng Maynila, ang ginawang pagtatanggal ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng isang basketball court na inilagay mismo sa gitna ng kalye at nagiging sagabal sa mga pedestrian at motorista.

Sinabi ni MTPB chief Dennis Viaje nitong Lunes na ang pagtanggal ng basketball court sa Lope de Vega, na sakop ng Barangay 329, sa Sta. Cruz, Maynila ay alinsunod sa umiiral na  Department of the Interior and Local Government (DILG) order na nagre-regulate sa paggamit ng mga kalsada, abenida, eskinita, bangketa, mga pasyalan at iba pang pampublikong lugar na nasa hurisdiksyon ng local government unit (LGU).

Ayon kay Viaje, kaagad na umaksyon ang MTPB matapos na matanggap ang mga reklamo mula sa mga motorista at pedestrians na napagkaitan ng pagkakataong gamitin ang nasabing kalye dahil sa naturang basketball court.

Maging ang mga concerned parents ay nanghingi na ng tulong sa MTPB para sa mabilisang pagtanggal ng nasabing court dahil ito ay ginagawang sugal na ilang mga residente sa pamamagitan ng paglalagay ng malalaking pusta sa mga naglalaro ng basketball na kabilang sa liga.

“Madami pong reklamo dahil lagi pong sinasara ang kalsada kahit regular days kaya ‘yung mga motorista po ay nagagalit. Isa pa po, naging sugalan ang lugar na yan ang lalaki po ng pustahan. Nung alisin po namin ang court ang dami pong natuwa dahil nawala daw yung perwisyo sa kalye,” sabi ni Viaje.

Sa reklamo ng mga magulang, may mga indibidwal na nag-o-organisa ng liga ng basketball kung saan sa bawat laro ay tinatayaan ng malalaking pusta at pinagkakakitaan ng mga nag-organisa.

“Mali po talaga na isara ang kalsada dahil lang sa laro at tagubilin din po ‘yun ng DILG,” sabi ni Viaje.

Idinagdag pa niya na ang pagtanggal ng basketball court ay ipinagbigay-alam sa barangay at sinaksihan pa ng mga barangay kagawad sa lugar. 

Tags: Barangay 329Manila Traffic and Parking Bureau
Previous Post

Ilang programa ng OVP sa ilalim ng pamumuno ni Robredo, ititigil na simula Hunyo

Next Post

Dagdag at bawas presyo sa produktong petrolyo, asahan!

Next Post
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Dagdag at bawas presyo sa produktong petrolyo, asahan!

Broom Broom Balita

  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
  • ₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.