• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Jowa ni Angeline Quinto, inaakusahang namemera lang daw; singer, nagsalita na

Richard de Leon by Richard de Leon
May 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Jowa ni Angeline Quinto, inaakusahang namemera lang daw; singer, nagsalita na

Angeline Quinto at Nonrev Daquina (Screengrab mula sa YT ni Angeline Quinto)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nilinaw at itinanggi ni Kapamilya singer Angeline Quinto ang mga akusasyong sugar mommy siya at pineperahan ng kaniyang jowang si Nonrev Daquina, na siya ring tatay ng kaniyang isinilang na anak.

Sa kaniyang latest vlog na “Meet Baby Sylvio + Q&A with Nonrev” na umere noong Mayo 20, matapang na iniharap ni Angeline si Nonrev sa publiko at diretsahang inusisa kung pera lamang ang habol nito sa kaniya.

“Bhe, kaya mo raw ako jinowa para perahan lang?” tanong ni Angeline.

Ngunit pabirong sagot ni Nonrev, baligtad daw ang sitwasyon. Siya raw talaga ang pineperahan ni Angeline.

Bagay na sinang-ayunan naman ng singer.

“Para malinaw sa lahat… hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako ‘yung namemera sa kanya. Totoo ‘to! Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko. So, every time magkukulang ‘yung pera ko pambayad sa Grab, ganyan-ganyan, sa kanya ako nakikiusap.”

“Tapos, magugulat na lang ako, nakalista lahat. Eh, sinasabi ko sa kaniya na babayaran ko naman talaga ‘yon kasi hinihiram ko talaga.”

Sa panahon daw ng kaniyang paglilihi, talagang napagastos daw ang kaniyang jowa para sa kaniya.

“Ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling-araw, wala talaga akong cash. Yung GCash niya, ubos na. So, from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad, nakakatawa ‘yon,” paliwanag ni Angge.

“Para lang malinaw sa inyo ha? Hindi ako pineperahan nito, ako pa ‘yung namemera sa kaniya, sa totoo lang. Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilhin, ibinibigay ko naman. Pero wala namang moments na namemera,” pagtatanggol pa ni Angeline.

Samantala, narito naman ang kabuuan ng vlog ni Angeline:

Tags: angeline quintoNonrev Daquina
Previous Post

Pagiging DOJ chief ni Boying Remulla, inalmahan ng mga netizens; sinabing red-tagger ang kongresista

Next Post

DOTr: MRT-7, target maging fully-operational sa taong 2023

Next Post
DOTr: MRT-7, target maging fully-operational sa taong 2023

DOTr: MRT-7, target maging fully-operational sa taong 2023

Broom Broom Balita

  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
  • PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City
  • Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

August 17, 2022
PBBM, Cong. Sandro Marcos, nagpaturok ng 2nd booster shot sa SM Manila

PBBM, Cong. Sandro Marcos, nagpaturok ng 2nd booster shot sa SM Manila

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.