• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

“Bakit ikaw lang ang puwede?” Joshua, nag-react sa payo ni Julia na ‘wag muna mag-jowa

Richard de Leon by Richard de Leon
May 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
“Bakit ikaw lang ang puwede?” Joshua, nag-react sa payo ni Julia na ‘wag muna mag-jowa

Joshua Garcia, Julia Barretto, at Gerald Anderson (Larawan mula sa Manila Bulletin/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakapanayam ni King of Talk Boy Abunda ang Viva actress na si Julia Barretto sa vlog episode nitong pinamagatang ““Who Are You When No One Is Watching?”.

Isa sa mga naging paksa nila ay ang ugnayan ni Julia sa kaniyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Pag-amin ng aktres, maayos daw sila at nagkakapag-usap pa. Wala naman daw itong isyu sa current boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-barretto-pinagbawalang-mag-jowa-ang-ex-na-si-joshua-garcia/

“We don’t give up on our tandem. I’m in touch with him…definitely. One of the things I appreciate about him is that he respects Ge. And it shows how much he has matured a lot. He respects Ge and that means a lot to me,” pahayag ni Julia.

Sikat na sikat ngayon ang aktor, patunay ang pag-upload nito ng mga TikTok videos na wala pang isang araw ay umaabot na kaagad ng milyon ang views.

“I tell him, ‘How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend,” payo raw niya sa ex.

“Sabi niya sa akin, ‘Ba’t ba ayaw mo ako magka-girlfriend?’ Sabi ko, ‘Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now,'” kuwento ni Julia.

“Because he’s young and he’s in his prime and he’s a brilliant actor. It’s not the time to be limited right now. I want him to really enjoy his time,” dagdag pa ng aktres.

Sa kasalukuyan, isa si Joshua sa mga bankable young leading men ng Kapamilya Network. Inamin din ni Julia na bukas siya sa posibilidad na maibalik ang kanilang tambalan.

Bagama’t maganda naman ang intensiyon ni Julia kung bakit niya sinabi iyon kay Joshua, may ilang mga netizen naman ang nagbigay ng interpretasyon na baka raw balak gawing ‘spare tire’ ng aktres ang ex, kung sakaling hindi sila nagkatuluyan ng kasalukuyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Nakapanayam naman ng Philippine Entertainment Portal o PEP.ph si Joshua sa naganap na ‘Star Magic 30 All Star Games’ sa Smart Araneta Coliseum nitong Mayo 22, 2022. Dito ay naging tapat naman si Joshua sa pagsasabing nagkakausap pa sila ni Julia.

Pabirong tinanong nga niya ang ex kung bakit ito lang ang puwedeng mag-jowa. Pero seriously speaking, hindi naman daw nagmamadali ang aktor, lalo’t bumubuhos ang mga trabaho sa kaniya.

Pagkatapos kasi ng ‘Viral Scandal’, aabangan naman siya sa most-anticipated action series ng ABS-CBN na ‘Mars Ravelo’s Darna: The TV Series’ na pagbibidahan ni Jane De Leon.

Lahat daw pala ng naging jowa ni Joshua, naging kaibigan niya pagkatapos. Masaya naman siya sa estado ngayon ng relasyon nina Julia at Gerald.

Tags: gerald andersonJoshua GarciaJulia Barretto
Previous Post

Jowa ni Angeline Quinto, bet daw mag-artista; Lolit, tinayuan ng mga balahibo

Next Post

Ama ng Maguad siblings, galit ang naramdaman nang makitang ‘pinoprotektahan’ ang 2 menor de edad na suspek

Next Post
Lovella Maguad: ‘Ang batas ay dapat pantay para sa lahat, bakit may tawad pa sa iba?

Ama ng Maguad siblings, galit ang naramdaman nang makitang 'pinoprotektahan' ang 2 menor de edad na suspek

Broom Broom Balita

  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
  • ₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!
  • Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera
  • PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 29, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Isang hepe ng pulisya sa Batangas, patay matapos sumalpok sa isang 10-wheeler truck

June 29, 2022
Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.