• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dating batang nasa likod ng lumang P500 bill, na-meet si Robredo sa New York

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 22, 2022
in Balita, Buhay OFW, Features
0
Dating batang nasa likod ng lumang P500 bill, na-meet si Robredo sa New York

Jello-o Gutierrez kasama si Vice President Leni Robredo via Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ikinaantig ng netizens ang encounter ni Jell-o Gutierrez, dating batang nasa likod ng lumang P500 bill, kay Vice President Leni Robredo sa New York.

Kasalukuyang nasa Amerika pa rin si Robredo kasama ang kanyang tatlong anak para sa kauna-unahang bakasyon nito mula nang pumanaw ang asawang si dating Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo noong 2012.

Naging laman din ng mga balita kamakailan ang matagumpay na pagtatapos ng bunsong anak na si Jillian sa prestihiyusong New York University (NYU) sa parehong Degree in Mathematics and Economics.

Dahil dito, ilang mga Pilipino sa banyagang bansa ang nagbahagi ng kani-kanilang encounter kay Robredo kabilang na si Jell-o Gutierrez. Nakasalubong ni Jell-o ang Pangalawang Pangulo sa Central Park sa Manhattan, New York, Sabado.

Hindi naman pinalagpas ng Kakampink ang magkaroon ng selfie kasama ang tinitingalang opisyal.

“Thank you for being so approachable and kind! God bless you!” mababasa sa caption ni Jell-o sa larawan nila ni Robredo sa isang Facebook post, Sabado.

Isang larawan naman ng usapan ni Jell-o ang ibinahagi ng dating Dean nito na si Gabby Lopez ang ikinaantig ng netizens.

Si Jell-o pala ang batang makikitang nag-abot ng bulaklak sa mga unipormadong opisyal noong panahon ng Batas Militar noong 1970’s sa likod ng iconic P500 banknote.

Dating P500 banknote/Larawan mula Bangko Sentral ng Pilipinas

Taong 2016 nang simulang palitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong disenyo kasama ng iba pang Philippine peso bank notes ang P500.

Tags: New YorkP500 billVice President Leni Robredo
Previous Post

Close-in-Aide ni PRRD, ibinahagi kung ano nga bang klaseng pangulo si PRRD: ‘Even without the media, he was 100% sincere’

Next Post

Nico Bolzico, may anniversary message kay Solenn Heussaff: ‘You forgot and that is ok!’

Next Post
Nico Bolzico, may anniversary message kay Solenn Heussaff: ‘You forgot and that is ok!’

Nico Bolzico, may anniversary message kay Solenn Heussaff: 'You forgot and that is ok!'

Broom Broom Balita

  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
  • Piyesang para sana kay Sarah G, ‘nilamon’ ni Katrina Velarde sa isang concert kahit last minute inaral
  • PWD, gumagawa, naglalako ng basahan para sa pamilya
  • Panourin: Viral orchestra version ng kantang ‘Jopay,’ hinangaan!
  • Tutok To Win PL rep Sam Verzosa, nagluluksa sa pagpanaw ng ama
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.