• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Comelec at security forces, handa na para sa special elections sa Lanao del Sur

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 22, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec/MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) at mga security forces para sa pagdaraos ng special elections sa Lanao del Sur sa Martes, Mayo 24, 2022.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia nitong Linggo na tutulong ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG) sa poll body sa pagdaraos ng special elections sa Tubaran, Lanao del Sur.

Matatandaang ang naturang lugar na lamang ang nag-iisang lugar na hindi pa nakapagsumite ng Certificate of Canvass (COC) para sa May 9, 2022 national and local elections matapos ang naganap na mga kaguluhan doon noong araw ng halalan.

“Handang handa na ang Comelec. Ang ating AFP, PNP, at pati nga po PCG ay nakikipag-ugnayan na sa ‘tin. Medyo dinamihan natin ang ating puwersa diyan sa Lanao del Sur dahil ‘yung posibilidad na magkaroon ng violence at magkaroon na naman ng kaguluhan diyan ay napakataas sa Tubaran,” ayon pa kay Garcia, sa panayam sa radyo.

Ipinaliwanag ng poll commissioner na ang mga personnel ng PNP ang siyang magti-take over sa special elections sa 14 na polling precincts sa Tubaran bilang proteksyon sa mga guro.

“Ang gagamitin natin diyan ay hindi mga teacher sapagkat tinatakot ang mga guro natin eh. At natatakot din sila. At the same time, may mga pressure sa kanilang mga pamilya. Ang gagamitin natin ay mga miyembro ng PNP na ating na-train nang ilang araw at linggo,” aniya pa.

Matatandaang nasa 12 barangays sa Tubaran ang iniulat ng Comelec na nakapagtala ng karahasan, pagbabanta at intimidasyon na may kinalaman sa halalan.

Kabilang sa mga naturang barangay ang Tangcal, Datumanong, Guiarong, Baguiangun, Wago, Malaganding, Gadongan, Riantaran, Pagalamatan, Mindamunag, Paigoday-pimbataan, at Metadicop.

Tiniyak naman ng Comelec na siya ring tumatayong mga miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC), na sa sandaling matapos na ang special elections ay kaagad nilang ika-canvass ang COC mula sa Tubaran upang makapagproklama na ng mga nanalong party-list groups. 

Tags: Eleksyon 2022lanao del sur
Previous Post

Domagoso, nakidalamhati at nakiramay sa pagpanaw ni Susan Roces

Next Post

Robi Domingo, ipinakilala bilang bagong host ng Idol Philippines Season 2

Next Post
Robi Domingo, ipinakilala bilang bagong host ng Idol Philippines Season 2

Robi Domingo, ipinakilala bilang bagong host ng Idol Philippines Season 2

Broom Broom Balita

  • Amihan, magpapaulan sa Luzon, Western Visayas
  • Willie Revillame, humingi ng dispensa kay Cristy Fermin: ‘Sorry nasaktan kita!’
  • Cryptic tweet ni Gab Valenciano, para nga ba kay Willie Revillame?
  • Darryl Yap, nag-react sa pahayag ni Xiao Chua tungkol kay ‘Urduja’
  • Mag-ina, patay sa sunog sa QC
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.