• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Raffy Tulfo, nanawagang gawing ‘national day of mourning’ ang libing ni Susan Roces

Richard de Leon by Richard de Leon
May 21, 2022
in Showbiz atbp.
0
Raffy Tulfo, nanawagang gawing ‘national day of mourning’ ang libing ni Susan Roces

Sen. Raffy Tulfo at Susan Roces (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nanawagan si senator-elect at broadcaster Raffy Tulfo kay Pangulong Rodrigo Duterte, na ideklarang ‘National Day of Mourning’ ang araw ng paghahatid sa huling hantungan sa yumaong ‘Queen of Philippine Movies’ na si Susan Roces o ‘Jesusa Sonora Poe’ sa tunay na buhay.

Pumutok ang balita ng kaniyang pagpanaw nitong Biyernes ng gabi, Mayo 20, na kinumpirma ng kaniyang adoptive daughter na si Senadora Grace Poe.

“Few celebrity icons are as loved as Ms. Susan Roces. Hindi mawawaglit sa aming mga tagahanga niya ang kaniyang di mabilang na mga pelikula, programang pantelebisyon, at patalastas.”

“We ask President Rodrigo Roa Duterte to declare a national day of mourning on the day of her burial,” panawagan ni Tulfo.

Binabalak umano ng kaniyang misis na si Rep. Jocelyn Tulfo na mag-file ng isang House Resolution sa susunod na linggo, “na mabigyang-pugay ang legacy ni Tita Swannie at mainominate siya sa para sa parangal na National Artist.

“Jocelyn, Ralph, my entire family, and I express to Senator Grace Poe our sincerest condolences on the passing of her mother, Susan Roces, beloved by all Filipinos,” pahayag pa ng bagong mambabatas.

Wala pang tugon ang Palasyo tungkol dito.

Bukas naman sa publiko ang burol ng namayapang movie icon, na kasalukuyang nakalagak sa Heritage Park, Taguig City. Magsisimula ang public viewing ngayong araw, Mayo 21, mula 6:00 hanggang 10:00 ng gabi.

Mula bukas, Mayo 22 hanggang Martes, Mayo 24, ang public viewing ay mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

Matutunghayan naman sa Zoom ang araw-araw na pamisa para sa kaniyang kaluluwa.. Wala pang malinaw na detalye tungkol sa kaniyang libing.

Ipinapaalala naman sa publiko na sundin ang health protocols kapag pupunta sa burol ng namayapang aktres.

Larawan mula sa Manila Bulletin
Tags: National Day of MourningRaffy Tulfosusan roces
Previous Post

‘Dahil sa gatas?’ Food-borne illness na dumapo sa mga estudyante sa Negros Oriental, iniimbestigahan na ng DepEd

Next Post

Border control measures laban sa monkeypox, pinaigting– Duque

Next Post
Duque, suportado ang COVID-19 vaccine booster shots para sa mga healthcare workers

Border control measures laban sa monkeypox, pinaigting-- Duque

Broom Broom Balita

  • VP Sara, nagpatayo ng satellite offices; dumalo ng misa kasama si PBBM
  • Filipino historian Ambeth Ocampo, nilektyuran si Ella Cruz tungkol sa history
  • Konstitusyon, pinaaamyendahan para sa termino ng pangulo
  • Mahigit sa 70.8M, bakunado na vs Covid-19
  • NLEX Road Warriors, pinadapa ng Magnolia
VP Sara, nagpatayo ng satellite offices; dumalo ng misa kasama si PBBM

VP Sara, nagpatayo ng satellite offices; dumalo ng misa kasama si PBBM

July 3, 2022
Filipino historian Ambeth Ocampo, nilektyuran si Ella Cruz tungkol sa history

Filipino historian Ambeth Ocampo, nilektyuran si Ella Cruz tungkol sa history

July 3, 2022
Konstitusyon, pinaaamyendahan para sa termino ng pangulo

Konstitusyon, pinaaamyendahan para sa termino ng pangulo

July 3, 2022
Mahigit sa 70.8M, bakunado na vs Covid-19

Mahigit sa 70.8M, bakunado na vs Covid-19

July 3, 2022
NLEX Road Warriors, pinadapa ng Magnolia

NLEX Road Warriors, pinadapa ng Magnolia

July 2, 2022
‘Napakabagal’ na pagtaas ng Covid-19 cases, naitala sa NCR

Covid-19 cases sa Pilipinas, tumaas

July 2, 2022
Dalawang militanteng grupo, kinilala ang imbestigasyon ng ICC sa umano’y EJKs sa ilalim drug war

Doktor, arestado matapos barilin ang isang estudyanteng nakaalitan sa isang bar sa Davao

July 2, 2022
P177,000 halaga ng shabu, kumpiskado sa naarestong tulak umano ng droga sa Bacolod

P177,000 halaga ng shabu, kumpiskado sa naarestong tulak umano ng droga sa Bacolod

July 2, 2022
Ban sa pag-aangkat ng poultry products mula Belgium, inalis na! — DA

Ban sa pag-aangkat ng poultry products mula Belgium, inalis na! — DA

July 2, 2022
Guro sa Iloilo, nakipagpalit ng sapatos sa estudyante na suot lang ang tsinelas sa kaniyang graduation

Guro sa Iloilo, nakipagpalit ng sapatos sa estudyante na suot lang ang tsinelas sa kaniyang graduation

July 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.