• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Limang drug personalities, nahuli sa buy-bust operation sa Cordillera

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
May 21, 2022
in Balita, Probinsya
0
Limang drug personalities, nahuli sa buy-bust operation sa Cordillera
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

CAMP DANGWA, Benguet – Limang drug personalities, kabilang ang isang Regional Top Most Wanted Person, isang health worker volunteer ang nadakip sa magkakahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng pulisya laban sa illegal drugs sa rehiyon ng Cordillera.

Iniulat ni Col.Peter Tagtag, Jr., provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, ang pagkakadakip sa tinaguriang Regional Top 10 Drug personalities na si Gian Vincent Malannag Dela Cruz,29, ng Junction Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Tagtag, isinagawa ng buy-bust operation dakong alas 3:30 ng hapon ng Mayo 20 ng magkasanib na tauhan ng pulisya sa Purok 7 Bakras, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Nakuha sa suspek ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 3.0 grams at may halagang P20,400.00.

Natimbog naman ng Baguio City Police Office ang isang health worker volunteers sa sideline nitong pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation Abanao Extension, Rizal Monument, Baguio City.

Kinilala ang nadakip na si Rey Christopher Navarro Abero, 38, volunteer health worker, ng San Vicente, Ilocos Sur. Ibinenta ng suspek sa nagpanggap na buyer ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 0.5 grams sa halagang P3,400.00 at isa pang plastic sachet ng shabu na 0.4 grams na may halagang P2,720.00 (possession).

Iniulat din ng Police Regional Office-Cordillera ang pagkakadakip pa ng tatlong drug personalities na sina Ibalzon Cadangen, 37; John Ariam Paul Magramo Magro, 28 at Joemamil Valera Dipatuan, 37.

Si Ibalzon ay nasakote ng BCPO at PDEA  na nahuli habang ibinebenta ang 0.79 gramo ng shabu sa halagang P5,372.00 at karagdagang 0.74 gramo ng shabu na may halagang P5,032.00 na nakuha sa kanyang katawan.


Sa Pudtol, Apayao, ay nadakip si Magro na nahulihan ng 0.14 grams sa halagang P1,000.00, samantalang  si Dipatuan ay nadakip naman sa La Trinidad, Benguet at nahulihan ng tatlong plastic shabu na may timbang na 0.52 grams sa halagang P3,536.00.

Tags: cordillera
Previous Post

Cong TV, trending nanaman dahil kinakiligan ng mga netizens

Next Post

Kris Aquino, ipinagbilin na raw sina Josh at Bimby sa mga kapatid

Next Post
Kris Aquino, ipinagbilin na raw sina Josh at Bimby sa mga kapatid

Kris Aquino, ipinagbilin na raw sina Josh at Bimby sa mga kapatid

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.