• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Kahit may banta ng monkeypox: ‘Pagsasara ng borders ng PH, ‘di na dapat gawin’– NTF

Balita Online by Balita Online
May 21, 2022
in National / Metro
0
Kahit may banta ng monkeypox: ‘Pagsasara ng borders ng PH, ‘di na dapat gawin’– NTF
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi na dapat gawin ang pagsasara ng mga hangganan ng Pilipinas sa kabila ng banta ng monkeypox.

Idinahilan ni National Task Force (NTF) against Covid-19 special adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, ang nasabing viral disease ay hindi kasing-tindi ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ang nabanggit na virus na galing sa mga hayop ay may mga sintomas katulad ng lagnat, pamamantal, pagtubo ng kulani na posibleng mauwi sa medical complications.

Paglillinaw ng DOH, ang monkeypox ay naihahawa sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa taong mayroon nito, hayop o kontaminadong bagay.

“Alam naman natin na hindi naman siya ganon [katulad ng] Covid-19 na nakahahawa at hindi siya bagong sakit. Alam na natin kung paano gamutin [at] kung paano ang hawaan nito. Hindi siya mystery illness kagaya noong magsimula ang Covid-19 na napilitan tayong magsara ng borders,” pagbibigay-diin nito nang sumalang sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.

“Hindi sapat o hindi tama na dapat mag close down. Magbabantay tayo at maghahanda tayo, pareho lang naman – ‘yung minimum public health measures: prevent, detect, isolate, and treat. Hindi kami magre-recommend. Ako, as an adviser, I will not recommend na mag-close ng borders just because may reported [na] 85 cases ng monkeypox,” paglilinaw nito.

At sa halip ay inirekomenda ni Herbosa na paigtingin ang pagpapairal ng minimum public health standards, katulad ng pagsusuot ng tamang face mask, pagpapairal ng physical distancing at kalinisan sa sarili.

Charie Mae Abarca

Previous Post

Overall accuracy rate ng preliminary RMA, nasa 99.9% — Comelec

Next Post

Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

Next Post
Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

Broom Broom Balita

  • Pulis na ‘carnapper’ timbog sa Cotabato City
  • Lolit Solis, niresbakan ang mga bumabatikos sa suot na pearl necklace ni Kris
  • Mahigit 11M pasahero, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa C. Luzon
  • De Lima sa Marcos admin: Restore PH membership in the ICC
  • Vaccine expert, nanawagan sa gobyerno para sa 2nd booster shot ng 50 hanggang 59 anyos
Pulis na ‘carnapper’ timbog sa Cotabato City

Pulis na ‘carnapper’ timbog sa Cotabato City

July 1, 2022
Lolit Solis, nanawagan sa publiko na ipagdasal si Kris Aquino

Lolit Solis, niresbakan ang mga bumabatikos sa suot na pearl necklace ni Kris

July 1, 2022
Mahigit 11M pasahero, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa C. Luzon

Mahigit 11M pasahero, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa C. Luzon

July 1, 2022
De Lima sa hindi paghingi ng tawad ni Duterte sa mga drug war victim: ‘History will judge him’

De Lima sa Marcos admin: Restore PH membership in the ICC

July 1, 2022
FDA, inaprubahan ang emergency use ng Moderna vaccines para sa edad 12 hanggang 17

Vaccine expert, nanawagan sa gobyerno para sa 2nd booster shot ng 50 hanggang 59 anyos

July 1, 2022
Locsin, papalitan ni career diplomat Enrique Manalo bilang DFA chief

Locsin, papalitan ni career diplomat Enrique Manalo bilang DFA chief

July 1, 2022
P3-M halaga ng ‘shabu’, nasabat sa CamSur anti-drug operation

P3-M halaga ng ‘shabu’, nasabat sa CamSur anti-drug operation

July 1, 2022
National disaster resilience month, sinimulan na ngayong Hulyo 1

National disaster resilience month, sinimulan na ngayong Hulyo 1

July 1, 2022
Sanib-puwersa? ‘Domeng’ lalakas pa! Buntot ng bagyong ‘Caloy’ magpapaulan

Sanib-puwersa? ‘Domeng’ lalakas pa! Buntot ng bagyong ‘Caloy’ magpapaulan

July 1, 2022
Alan Cayetano, ihahain ang ₱10,000 ayuda bill; may mensahe sa mga tumutuligsa

Alan Cayetano, ihahain ang ₱10,000 ayuda bill; may mensahe sa mga tumutuligsa

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.