• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Jessica Soho, inisyung ‘tinapakan’ mukha ni BBM sa chroma background; KMJS, nagpaliwanag

Richard de Leon by Richard de Leon
May 21, 2022
in Showbiz atbp.
0
Jessica Soho, inisyung ‘tinapakan’ mukha ni BBM sa chroma background; KMJS, nagpaliwanag

Jessica Soho (Larawan mula sa FB/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng ‘Kapuso Mo Jessica Soho’ upang linawin ang kumakalat na isyu tungkol sa isang layout sa background ng episode na ‘Bahay Mo Boto’ ng naturang award-winning news magazine show, kung saan makikitang tila naapakan ng host nitong si Jessica Soho ang mukha ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ang ‘Bahay Mo Bato’ episode ay tungkol sa magkapitbahay na magkaiba ang sinusuportahang kandidato. Ang unang bahay ay maka-Leni Kiko at ang pangalawa naman ay panig sa UniTeam. Ngayong tapos na ang halalan ay muli silang kinumusta ng KMJS Team.

Napansin ng mga netizen na tila nasa mukha ni BBM mismo ang kanang paa ni Jessica Soho.

Larawan mula sa FB/Kapuso Mo Jessica Soho

Agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang KMJS tungkol dito.

“Nakarating sa aming kaalaman ang puna sa pagkaka-layout ng spiels sa isang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho na umere nitong nakaraang Linggo. Kinuhanan ng camera si Jessica Soho sa harap ng chroma background o green screen para sa kanyang spiels. Wala po siyang kinalaman kung paano ni-layout ang graphics at imahe niya sa pag-edit.”

“Humihingi po kami ng paumanhin sa insidenteng ito. Nire-review namin ang aming proseso upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari. Naka-upload na rin ang nirebisang layout ng spiels. Makakaasa kayong mananatiling tapat ang KMJS sa paghahatid ng makabuluhan at patas na mga kuwento. Maraming salamat po.”

May be an image of text
Larawan mula sa FB/Kapuso Mo Jessica Soho

Matatandaang sa kasagsagan ng isinagawang panayam ng GMA News and Public Affairs sa presidential candidates, hindi nagpaunlak si BBM dahil ‘biased’ umano ang award-winning journalist.

“Pinagbabasehan ko lang yung karanasan ko, ‘yung experience ko in the last few years, hindi lang ako, pati na ‘yung kapatid ko, pati na basta may kinalaman sa Marcos, talagang may bias talaga, ang pakiramdam ko,” pahayag noon ng dating senador at presumptive President na ngayon, sa isang panayam.

Tags: Jessica SohoJr.Kapuso Mo Jessica Sohopresumptive president Ferdinand 'Bongbong' Marcos
Previous Post

₱40B, kakailanganin upang sumapat suplay ng bigas sa PH — DA

Next Post

Malacañang, nakiramay sa pagpanaw ng batikang aktres na si Susan Roces

Next Post
Malacañang, nakiramay sa pagpanaw ng batikang aktres na si Susan Roces

Malacañang, nakiramay sa pagpanaw ng batikang aktres na si Susan Roces

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.