• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National/Probinsya

DILG sa PNP: ‘Operasyon ng e-sabong, ipatigil niyo!’

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
May 21, 2022
in National/Probinsya
0
DILG sa PNP: ‘Operasyon ng e-sabong, ipatigil niyo!’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na ipatigil ang operasyon ng online sabong sa bansa dahil patuloy umanong nilalabag nito ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ito.

Pagbibigay-diin ni DILG Secretary Eduardo Año, hindi dapat magpatumpik-tumpik pa ang Anti-Cybercrime Group ng PNP sa paghahanap sa pitong online cockfighting sites upang mapanagot sa kanilang iligal na operasyon

“These illegal e-sabong outfits are operating without licenses or franchises from the national or local governments and are not remitting a single peso in revenue to the state,” paliwanag naman ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya sa panayam sa telebisyon nitong Sabado.

“Dahil illegal po ito, hindi n’yo po alam kung saan napupunta ang inyong pera or kung may dayaan,” aniya.

Umapela rin ito sa publiko na isuplong sa DILG o sa pulisya kung may matutuklasan pa silang nag-o-operate ng online sabong sites kahit iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ito.

Matatandaang nagpasya si Duterte na ihinto na ang operasyon ng e-sabong bunsod na rin ng negatibong dulot nito sa mga Pinoy at kahit bilyun-bilyon pa ang naipapasok nito na kita ng pamahalaan.

Bukod dito, isinisi rin sa online cockfighting ang pagkawala ng 34 na sabungero sa iba’t ibang lugar kamakailan.

Previous Post

Vice Ganda, iniintriga; lilipat na nga ba sa Kapuso Network?

Next Post

Bea Alonzo, inalala ang itinuro sa kaniya ni Susan Roces

Next Post
Bea Alonzo, inalala ang itinuro sa kaniya ni Susan Roces

Bea Alonzo, inalala ang itinuro sa kaniya ni Susan Roces

Broom Broom Balita

  • ‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel
  • ‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’
  • DOH, nakapagtala na ng mahigit 1,000 kaso ng leptospirosis sa bansa
  • Lider ng isang gun for hire group na nag-ooperate sa Tarlac at Pampanga, nabitag
  • 924 pang bagong kaso ng Omicron subvariants, natukoy ng DOH sa Pinas
‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel

‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel

August 9, 2022
‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’

‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’

August 9, 2022
DOH, nag-iimbestiga na ukol sa spam messages; contract tracing, magpapatuloy

DOH, nakapagtala na ng mahigit 1,000 kaso ng leptospirosis sa bansa

August 9, 2022
Lider ng isang gun for hire group na nag-ooperate sa Tarlac at Pampanga, nabitag

Lider ng isang gun for hire group na nag-ooperate sa Tarlac at Pampanga, nabitag

August 9, 2022
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

924 pang bagong kaso ng Omicron subvariants, natukoy ng DOH sa Pinas

August 9, 2022
VM Lacuna, nanawagan ng respeto para sa LGBTQ+ community

Best health care service para sa Manileño hanggang sa taong 2030, target ni Mayor Honey

August 9, 2022
‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

August 9, 2022
Metro Manila, ‘prime candidate’ para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes — CHED

Pagtaas ng Covid-19 cases sa pagbabalik ng F2F classes, posible!

August 9, 2022
Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis

Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis

August 9, 2022
‘Outdated’ website ng BIR, bakit kinuyog ng netizens?

‘Outdated’ website ng BIR, bakit kinuyog ng netizens?

August 9, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.