• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Umano’y stalker ni VP Robredo, nagpanggap na Kakampink sa New York; netizens, nabahala

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 20, 2022
in Balita, Balitang Overseas, National / Metro
0
Umano’y stalker ni VP Robredo, nagpanggap na Kakampink sa New York; netizens, nabahala

Larawan mula buradong post ni Ernest Bahala kasama si VP Robredo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang tagasuporta umano ni Presumptive President Bongbong Marcos Jr. matapos na magpanggap itong Kakampink para makadaupang-palad ang dalawang tunay na Kakampink at mismong si Vice President Leni Robredo sa New York City.

Maliban sa ulat ng masayang pagtatapos ng bunsong anak ni Robredo na si Jillian sa prestihiyusong New York University (NYU) kamakailan, umani rin ng atensyon sa social media ang isang nagngangalang Ernest Bahala nang magkaroon ito ng interaksyon sa pangalawang pangulo sa Amerika.

Pagsasalaysay ng dalawang tunay Kakampink, ang naturang Pilipino ay nagpakilalang Kakampink dahilan para makasama nila ito habang inaabangan si Robredo sa labas ng Radio City Music Hall kung saan ginanap ang baccalaureate ceremony ni Jillian.

“We are NOT friends. We didn’t know that he’s this type of guy. He pretended to be a Kakampink and mingled with Maan and me. Nagpanggap pa siyang very excited to see our beloved VP. That’s why I’m really surprised to see all his FB posts. Kung alam ko lang, hinding hindi ko siya hahayaang makalapit kay VP Leni,” anang Kakampink na si Pau Palestroque na nagulat na lang sa malisyusong mga Facebook post ni Bahala.

Sa burado nang larawan kasama si Robredo na ibinahagi ni Bahala sa isang Facebook post, mababasa ang caption nitong tila nagpapahiwatig ng marangyang pamumuhay ni Robredo dahil sa Balenciaga nitong bag at bitbit na Hermes box.

Makikita rin ang mga dokumentadong larawan sa hiwalay na Facebook post ni Bahala sa pagsakay ng subway train ni Robredo kasama ang mga anak.

“Na shock ako! Nag-pretend po siyang kakampink na super excited po niya at nag abang din siya kay VP leni. Hindi ko po kilala yan nakita lang po namin siya doon na nag-aabang kay Madam VP,” pagsasalaysay ni Maan Joy Manalang.

“Sir, bakit po na mention niyo yung Balenciaga and Hermes? Knowing sa akin po galing yung paper bag na orange….(if you’re trying to show na extravagant ang VP namen!” dagdag ng Pinay Kakampink sa New York.

Dahil sa insidente, ilang netizen ang nagpahayag ng pagkabahala sa seguridad ni Robredo. Nanawagan din maging ang abogadong si Jesus Falcis dahil bukod sa umano’y maituturing na stalker si Bahala ay naiulat pang 14 na taon na itong illegal immigrant sa Amerika.

“Choices have consequences.No sympathies or pity,” ani Falcis.

Nauna nang nagbigay ng reaksyon si Robredo na tila ipinagkibit-balikat lang ang insidente.

“Pati yung regalo ni Maan na Hermes paper bag, naka-extra,” komento ni Robredo sa Facebook post ni Pau.

Tags: Bongbong Marcosnew york cityNew York UniversityVice President Leni Robredo
Previous Post

Hidilyn Diaz, kampeon pa rin sa SEA Games sa Vietnam

Next Post

Daddy Xian, nagpakatotoo para sa anak: ‘Hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya’

Next Post
Daddy Xian, nagpakatotoo para sa anak: ‘Hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya’

Daddy Xian, nagpakatotoo para sa anak: ‘Hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya’

Broom Broom Balita

  • Mag-inang Sharon at KC, reunited: ‘A little happy during days of grieving!’
  • Sikat na pizza resto na inireklamo ni Julius Babao, naglabas ng opisyal na pahayag
  • Concern o okray? Jobelle Salvador, kinuyog ng mga netizen dahil kay Agot Isidro
  • Darryl Yap, ‘mabuhok’ daw, ayon sa scientific, empirical observation ni Kuya Kim
  • Robredo, pinuri, inendorso ang ‘Katips’; ‘Wonderful piece… mahalaga ang mensahe ng pelikula’
Mag-inang Sharon at KC, reunited: ‘A little happy during days of grieving!’

Mag-inang Sharon at KC, reunited: ‘A little happy during days of grieving!’

August 9, 2022
Sikat na pizza resto na inireklamo ni Julius Babao, naglabas ng opisyal na pahayag

Sikat na pizza resto na inireklamo ni Julius Babao, naglabas ng opisyal na pahayag

August 9, 2022
Concern o okray? Jobelle Salvador, kinuyog ng mga netizen dahil kay Agot Isidro

Concern o okray? Jobelle Salvador, kinuyog ng mga netizen dahil kay Agot Isidro

August 9, 2022
Darryl Yap, ‘mabuhok’ daw, ayon sa scientific, empirical observation ni Kuya Kim

Darryl Yap, ‘mabuhok’ daw, ayon sa scientific, empirical observation ni Kuya Kim

August 9, 2022
Robredo, pinuri, inendorso ang ‘Katips’; ‘Wonderful piece… mahalaga ang mensahe ng pelikula’

Robredo, pinuri, inendorso ang ‘Katips’; ‘Wonderful piece… mahalaga ang mensahe ng pelikula’

August 9, 2022
Ka Leody, nanawagan para sa kanyang naging political partner: ‘PALAYAIN SI WALDEN BELLO!’

Ka Leody, nanawagan para sa kanyang naging political partner: ‘PALAYAIN SI WALDEN BELLO!’

August 9, 2022
Auto Draft

DOH, nakapagtala ng 27,331 bagong kaso ng Covid-19 cases nitong nakalipas na linggo

August 8, 2022
1 patay, 8 sugatan sa isang road accident sa Aritao, Nueva Vizcaya

1 patay, 8 sugatan sa isang road accident sa Aritao, Nueva Vizcaya

August 8, 2022
Scholarship program ng Pasig gov’t, mas pinalawak

Scholarship program ng Pasig gov’t, mas pinalawak

August 8, 2022
Paghahanap sa nawawalang pulis-Isabela, nagpapatuloy

Rider na nagtangkang umiwas sa checkpoint, timbog dahil sa bitbit na sachet ng shabu

August 8, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.