• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mag-asawa sa England, nanalo sa UK lottery ng £184 o halos ₱12 bilyon

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
May 20, 2022
in Balita, Daigdig, World
0
Mag-asawa sa England, nanalo sa UK lottery ng £184 o halos ₱12 bilyon

screenshot mula sa tweet ng EuroMillions

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nasungkit ng mag-asawa mula sa western England ang tumataginting na jackpot prize na 184 million sterling pounds o halos ₱12 bilyon sa EuroMillions draw noong Mayo 10, 2022.

Last night's £184M #EuroMillions jackpot was won in the UK! The ticket holder became the biggest ever UK lottery winner overnight 🥳

Read more: https://t.co/e7L0W8huRT pic.twitter.com/fZ4cjUZnI6

— EuroMillions (@UK_EuroMillions) May 11, 2022

Ayon sa ulat ng Agence-France-Presse, napakalaking bagay sa mag-asawang sina Joe at Jess Thwaite mula sa Gloucester ang pagkapanalo nila ng £184,262,899 o halos ₱12 bilyon kung icoconvert sa Philippine peso.

“It was amazing but also surreal,” ani Joe sa isang press conference kasama ang kaniyang asawa. 

“I looked at the amount. I put the phone down and I picked the phone up again and I looked at the amount again!” dagdag pa niya.

Si Joe ay isang communication sales engineer habang si Jess naman ay nagpapatakbo ng isang salon kasama ang kaniyang ina at kapatid na babae. 

“This is an amazing thing that’s happened to us, and this means it’s an amazing thing that’s happened to our family and we want to share that with them,” ani Jess.

“Even though it’s wonderful and exciting, it’s also a massive relief for everybody that’s been struggling with all their bills. We’re like every normal family… So it’s just a huge relief,” dagdag pa niya.

Ang mag-asawang Thwaite ay pangalawa sa may pinakamalaking napanalunan sa kasaysayan ng EuroMillions na nilalaro sa siyam na bansa sa Europa.

Noong Oktubre 2021, napanalunan ng isang babae mula sa Pacific Island ng Tahiti ang pinakamalaking jackpot na €220 million.

Samantala, marahil marami ang nagtataka kung bakit isinapubliko ang pangalan ng mga nanalo.

Sa UK, may karapatan ang mga lottery winners na manatiling anonymous. Sa katunayan, marami na rin ang nanalo ng mga malalaking jackpot prize ngunit pinili nilang hindi isapubliko.

Para sa mag-asawang Thwaite, isinapubliko nila ang kanilang pagkapanalo dahil ayaw nilang itago ito sa kanilang mga mahal sa buhay.

Tags: englandUK Lottery
Previous Post

BIR-CAR kabilang sa Top 10 sa tax collection sa bansa

Next Post

Road reblocking, repairs asahan muli ngayong weekend

Next Post
Ika-46 anibersaryo ng MMDA, ipinagdiriwang

Road reblocking, repairs asahan muli ngayong weekend

Broom Broom Balita

  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
  • ‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.