• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Dagdag Balita

Daddy Xian, nagpakatotoo para sa anak: ‘Hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya’

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 20, 2022
in Dagdag Balita, Showbiz atbp.
0
Daddy Xian, nagpakatotoo para sa anak: ‘Hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya’

Mga larawan mula Facebook post ni Xian Gaza

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umantig sa maraming netizens ang reunion ni Xian Gaza sa kanyang anak sa Dubai. Isang pagpaparaya naman ang ibinahagi ng online Marites para sa kapakanan ng unang panganay.

Sa pagbabahagi ng dalawang larawan, napa-throwback si Xian sa panahon na kinailangan niyang isuko ang anak dahil sa kanyang naging sitwasyon noong 2017.

“Yung larawan sa kaliwa ay kuha noong 2017, mga panahong lost na lost ako at walang direksyon ang buhay. Bankrupt din ako that time at hindi nakapagsustento for 17 consecutive months. I need to let go of my son upang hindi siya madamay sa aking pagbagsak at paghihirap,” matapang na pagbabahagi ng online personality.

Viral din ngayon sa Facebook ang reunion ni Xian sa anak kung saan isang mahigpit na yakap ang tugon ng mag-ama sa isa’t-isa.

Sa kabila ng karangyaang tinatamasa ngayon ni Xian, kaya na niya aniya na maging makasarili at kunin ang anak sa puder ng ina nito.

“Five years later, multimilyonaryo na ako. Maaari ko nang kunin ang custody niya mula sa kanyang ina. Kahit wala akong hilig sa bata eh afford na afford kong kumuha ng dalawang yaya at sarili niyang sasakyan with personal driver. Kaya kong ibigay sa kanya ang komportableng buhay bilang isang R.K. o anak-mayaman,” ani Xian.

“Pero bakit hindi ko yun ginagawa? Kasi hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya. One happy family na sila ng Mommy niya, stepdad niya at half-sister niya eh. Ayaw kong ipagkait yun sa anak ko. That’s something na hindi kayang tumbasan ng pera,” dagdag ng ama.

Habang naniniwala si Xian na kayang bilhin ng pera ang kasiyahan pero hindi pa rin aniya sapat ito para mabili ang isang kumpletong pamilya.

“Mabuti pa na ako na lang ang magsakripisyo at malayo sa kanya upang lumaki siya nang maayos na may buong pamilya. Ang role ko ay magpayaman ng husto at ilatag ang kanyang napakagandang kinabukasan,” saad ng ama.

Umabot na sa higit 80,000 reactions ang nasabing post na ikinatuwa at ikinaantig ng malalapit na kaibigan ni Xian gayundin ng libu-libong netizens.

Tags: Xian Gaza
Previous Post

Umano’y stalker ni VP Robredo, nagpanggap na Kakampink sa New York; netizens, nabahala

Next Post

Monkeypox, wala pa sa Pilipinas — DOH

Next Post
Monkeypox, wala pa sa Pilipinas — DOH

Monkeypox, wala pa sa Pilipinas -- DOH

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.