• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Metro

Laya muna sa libel case: Mon Tulfo, nagpiyansa na!

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
May 19, 2022
in Metro
0
Laya muna sa libel case: Mon Tulfo, nagpiyansa na!
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakalaya muna ang kolumnistang si Ramon “Mon” Tulfo matapos arestuhin nitong Miyerkules sa kasong cyber libel, ayon sa kanyang abogado.

Ipinaliwanag ng abogadong si Oscar Sahagun, nakapagpiyansa ang kanyang kliyente at nakalaya muna ito dakong 4:00 ng hapon ng Huwebes.

“Mabuti naman, nakalaya na si Mon. Siguro, mga past 4:00 pm, na. Oo, nag-bail. Tinaasan ni judge… ‘yung [piyansa] +₱10,000, ginawang ₱40,000. Dito sa Branch 24, ginawang kuwarenta kasi nag-motion ‘yung abogado ni (dating Justice) Sec. (Vitaliano) Aguirre. Taasan daw, so ginawa niyang kuwarenta,” sabi ng abogado sa panayam sa telebisyon.

Hiniling aniya ng kampo ni Aguirre na maitaas pa sa ₱40,000 ang piyansa ng kliyente nito dahil sa hindi nito pagdalo sa mga naunang schedule ng hearing.

Pero paliwanag ni Tulfo sa pamamagitan ng kanyang abogado, wala naman siyang natanggap na notice mula sa korte.

Itinakda naman ng korte ang pretrial sa Lunes ng umaga.

Nakauwi na aniya si Tulfo at nasa maayos na kalagayan, ayon kay Sahagun.

Matatandaang dinakip si Tulfo sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Maria Victoria Soriano-Villadolid ng Manila Regional Trial Court Branch 24 dahil sa umano’y paglabag sa Section 4 (c)(4) ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. 

Ang kaso ay nag-ugat sa kanyang column sa pahayagan kung saan inakusahan nito si Aguirre na umano’y protektor ng mga sindikatong nasa likod ng tinaguriang “pastillas” scam sa airport na mariin namang itinanggi ni Aguirre.

Previous Post

Karen Davila, pabor sa desisyon ni Robin na talikuran muna ang showbiz, pokus sa pagiging senador

Next Post

Barbie, ipinagmalaki ang stretch marks sa boobelya; nakipaglambingan kay Tony Labrusca

Next Post
Barbie, ipinagmalaki ang stretch marks sa boobelya; nakipaglambingan kay Tony Labrusca

Barbie, ipinagmalaki ang stretch marks sa boobelya; nakipaglambingan kay Tony Labrusca

Broom Broom Balita

  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
  • ₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.