• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 19, 2022
in Balita, National / Metro
0
CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon

CEAP logo at Sara Duterte (Facebook)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inaasahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na bibigyang prayoridad ng susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) ang krisis na kinakaharap ng sektor ng edukasyon dulot ng COVID-19 pandemic. 

Matatandaang inanunsyo na ni Presumptive President Ferdinand Marcos Jr. na si Presumptive Vice-president Sara Duterte ang napipisil niya bilang susunod na kalihim ng DepEd. 

Ayon kay Alan Arellano, executive director ng CEAP, maaaring makatulong ang popularidad ng incoming Vice-President upang maimpluwensiyahan ang mga kabataan tungo sa mabuting landas.

“Her popularity may be an asset to influence the young people to be better Filipinos. If indeed she will be the one to run the department, we hope that she could address the education crisis we are facing. In the days to come, she may be consulting the education stakeholders. We are willing to be part of that process,” ani Arellano sa panayam ng church-run Radio Veritas. 

Bagamat itinanggi ni VP Duterte ang pagsusulong ng Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) ay ipinahayag ng CEAP ang kahandaang tumulong sa pagbabalangkas ng mga patakaran sakaling ipatupad ang mandatory ROTC.

“Kung magiging bahagi eto ng kurikulum, tutulong kami sa pagbalangkas ng mga nararapat na pagpapahalaga na dapat matutuhan ng kabataan na magiging makadiyos, makabayan, makatao at makakalikasan,” pagtiyak pa ni Arellano.

Samantala, nanindigan din ang CEAP na kailanman ay hindi mababago ang katotohanan. 

Ito ay dahil sa pangamba ng ibat-ibang religious at youth groups na baguhin ng susunod na administrasyong Marcos ang kasaysayan ng bansa at tanggalin ang tala at opisyal na datos ng Martial Law.

Ayon kay Arellano, magpapatuloy ang Catholic at Private Schools na ituro sa mga kabataan ang katotohanan at pagbibigay ng aralin na patitibayin ang pagtitimbang ng isang mag-aaral upang laging piliin ang tama. 

Ayon sa opisyal na talaan ng CEAP, aabot sa mahigit 1,600 na Catholic at Privates schools ang kasapi sa hanay ng institusyon. 

Tags: Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)depedSara Duterte-Carpio
Previous Post

Gab Valenciano matapos ang eleksyon: ‘Back to the grind!’

Next Post

5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

Next Post
5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

Broom Broom Balita

  • Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge
  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

July 1, 2022
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.