• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Metro

CAVITEX toll increase, ipatutupad na sa Mayo 22

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
May 19, 2022
in Metro, Probinsya
0
CAVITEX toll increase, ipatutupad na sa Mayo 22
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Simula Mayo 22, ipatutupad na ang dagdag na singil sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX R-1), ayon sa pahayag ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC).

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ng kumpanya na hindi nila itinuloy ang implementasyon sana ng toll increase nitong Mayo 12 upang mabigyan ng sapat na oras ang mga driver at operator ng PUVs (public utility vehicles) na makapagpatala sa toll reprieve program nito.

Paliwanag ng CIC, pinahihintulutan ng toll reprieve program ang mga driver at operator ng PUVs na bayaran pa rin ang lumang toll rates na ₱25 para sa Class 1 vehicles at ₱50 para sa Class 2.

Binanggit na tatagal ang programa ng tatlong buwan simula Mayo 22.

Kapag nasimulan na ang pagpapatupad ng bagong toll rate, ang mga sasakyang gagamit ng CAVITEX (R1) segment)-Parañaque Toll Plaza ay sisingilin ang ₱33 para sa Class 1, ₱67 sa Class 2 at ₱100 sa Class 3

Kabilang naman sa panibagong rate ang 2011 at 2014 periodic toll petition pati na ang add-on toll petition para sa mga ipinagawa sa expressway, katulad ng bridge lane at road widening.

Bella Gamotea

Previous Post

Bongbong Marcos, binati ang mga nanalong senador ngayong eleksyon 2022

Next Post

Kris Bernal sa kaniyang 33rd birthday: ‘Our sins don’t make us less as a person’

Next Post
Kris Bernal sa kaniyang 33rd birthday: ‘Our sins don’t make us less as a person’

Kris Bernal sa kaniyang 33rd birthday: 'Our sins don't make us less as a person'

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.