• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel

Richard de Leon by Richard de Leon
May 19, 2022
in Showbiz atbp.
0
Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel

Xian Lim at Barbie Imperial (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binasag na nina Barbie Imperial at Xian Lim ang kanilang katahimikan kaugnay ng viral photo nilang dalawa sa isang hotel, na naging usap-usapan ng mga online Marites noong Mayo 15.

“Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati,” nakalagay sa caption ng Facebook post. Makikita naman ang nakangiting sina Barbie at Xian.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/barbie-imperial-at-xian-lim-naispatan-sa-isang-hotel-xian-gaza-tinawag-atensyon-ni-kim-chiu/

Naging maagap naman dito si self-proclaimed Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza at tinawag ang atensyon ni Kim Chiu, ang jowa ni Xian Lim.

Maging ang mga netizen sa comment section ay napapatanong na rin kung bakit magkasama ang dalawa. May ilang nagsabing baka may proyekto sila together at may ilan namang medyo malisyoso ang naiisip. May mga nagtanggol naman sa kanilang dalawa at sinabing naimbitahan silang pareho sa isang campaign rally ng isang politiko sa Mati, Davao Oriental.

Bagay na kinumpirma naman nina Barbie at Xian.

Sey ni Barbie, hindi lang naman sila ni Xian ang nasa naturang hotel. Marami raw sila at magkakaiba ang kuwartong kanilang tinulugan.

“It was actually the hotel where we stayed at noong nag-campaign kami nina Xian sa Mati. Marami kami. My room and Xian’s room. Nag-favor ‘yung hotel if puwede mag-photo,” pagpapaunlak ni Barbie sa isang news site.

Ipinaliwanag naman ni Xian ang kaniyang panig sa isang panayam.

“Speaking of Facebook, may nabasa ako, nag-scroll ako kagabi. May mga nagta-tag ng kaganapan daw, na diumano natagpuan, na spotted daw ako sa isang lugar. Not guilty, ‘yun lang,” sagot ni Xian sa mga nang-iintrigang may something sila ni Barbie.

“I guess, ang reaksiyon ko lang doon is, totoo ba? Alam mo ‘yun? Wala tayong panahon diyan. Wala na bang mabalita?”

“Pero salamat sa lahat ng mga nagtanggol sa akin. I guess, the news is just absurd. Wala akong panahon para diyan,” paglilinaw pa ng Kapuso actor na siyang bida sa ‘False Positive’ katambal si Glaiza De Castro, na unang proyekto niya sa Kapuso Network matapos ang kaniyang paglipat noong 2021.

Tags: Barbie ImperialHotel MatiXian Lim
Previous Post

5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

Next Post

4 plantasyon, sinalakay: Mahigit ₱10M marijuana, sinunog sa Kalinga

Next Post
4 plantasyon, sinalakay: Mahigit ₱10M marijuana, sinunog sa Kalinga

4 plantasyon, sinalakay: Mahigit ₱10M marijuana, sinunog sa Kalinga

Broom Broom Balita

  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
  • ‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.