• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

₱177K ‘shabu’ nasabat sa Taguig at Parañaque

Bella Gamotea by Bella Gamotea
May 19, 2022
in Balita, National / Metro
0
₱177K ‘shabu’ nasabat sa Taguig at Parañaque
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tinatayang 26.1 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱177,480 ang nasamsam sa hiwalay na anti-illegal drugs operations sa Taguig City at Parañaque City, nitong Mayo 19.

Ayon sa report, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Sub Station 4 sa #8067 Pelaez St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng Huwebes na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek na sina Manuelito Cruz De Leon,alyas Mano, 44; Alvin Jaime Bermudez, 39; at Ma. Luisa Fernandez Mayuga, 42.

Narekober sa tatlong suspek ang 14.1 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang ₱95,880; plastic canister at marked money.

Sa parehong oras at petsa ng operasyon, nadakip sa Road 18 Roldan St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, ang suspek na kinilalang si Sorex Katib, alyas “Katib”, 35, na nakumpiskahan ng 12 gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱81,600, buy-bust money at maliit na jewelry box.

Nakakulong ang mga suspek sa operating unit habang itinurn-over naman sa  SPD Forensic Unit ang mga nasamsam na ebidensya para sa chemical analysis.

“Sa pagpapatuloy ng ating kampanya laban sa illegal na droga, makikita natin na meron paring mga indibidwal na hindi humihinto sa kanilang gawain. Asahan ninyo na ang kapulisan ng SPD ay hindi magsasawang hulihin ang mga indibidwal na ito,” ayon kay BGen. Macaraeg.

Tags: shabu
Previous Post

Pinag-usapang turon sa Amanpulo, flinex ng isang bakasyunistang netizen

Next Post

10.9M Pinoy, nagsabing sila ay ‘mahirap’ — SWS

Next Post
10.9M Pinoy, nagsabing sila ay ‘mahirap’ — SWS

10.9M Pinoy, nagsabing sila ay 'mahirap' -- SWS

Broom Broom Balita

  • Vaccine expert, nanawagan sa gobyerno para sa 2nd booster shot ng 50 hanggang 59 anyos
  • Locsin, papalitan ni career diplomat Enrique Manalo bilang DFA chief
  • P3-M halaga ng ‘shabu’, nasabat sa CamSur anti-drug operation
  • National disaster resilience month, sinimulan na ngayong Hulyo 1
  • Sanib-puwersa? ‘Domeng’ lalakas pa! Buntot ng bagyong ‘Caloy’ magpapaulan
FDA, inaprubahan ang emergency use ng Moderna vaccines para sa edad 12 hanggang 17

Vaccine expert, nanawagan sa gobyerno para sa 2nd booster shot ng 50 hanggang 59 anyos

July 1, 2022
Locsin, papalitan ni career diplomat Enrique Manalo bilang DFA chief

Locsin, papalitan ni career diplomat Enrique Manalo bilang DFA chief

July 1, 2022
P3-M halaga ng ‘shabu’, nasabat sa CamSur anti-drug operation

P3-M halaga ng ‘shabu’, nasabat sa CamSur anti-drug operation

July 1, 2022
National disaster resilience month, sinimulan na ngayong Hulyo 1

National disaster resilience month, sinimulan na ngayong Hulyo 1

July 1, 2022
Sanib-puwersa? ‘Domeng’ lalakas pa! Buntot ng bagyong ‘Caloy’ magpapaulan

Sanib-puwersa? ‘Domeng’ lalakas pa! Buntot ng bagyong ‘Caloy’ magpapaulan

July 1, 2022
Alan Cayetano, ihahain ang ₱10,000 ayuda bill; may mensahe sa mga tumutuligsa

Alan Cayetano, ihahain ang ₱10,000 ayuda bill; may mensahe sa mga tumutuligsa

July 1, 2022
Magnitude 6.0, yumanig sa Cagayan

Magnitude 6.0, yumanig sa Cagayan

July 1, 2022
Pasahero ng MRT-3, nag-iwan ng sulat ng pasasalamat sa loob ng tren

Pasahero ng MRT-3, nag-iwan ng sulat ng pasasalamat sa loob ng tren

July 1, 2022
Manny Pacquiao, pinasalamatan si ex-pres Duterte, ipinagdasal si PBBM

Manny Pacquiao, pinasalamatan si ex-pres Duterte, ipinagdasal si PBBM

July 1, 2022
Inflation sa buwan ng Hunyo, inaasahang papalo sa 5.7% hanggang 6.5%

Inflation sa buwan ng Hunyo, inaasahang papalo sa 5.7% hanggang 6.5%

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.