• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano

Richard de Leon by Richard de Leon
May 18, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano

Xian Gaza (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng self-proclaimed ‘Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza ang kaniyang payo para kay ‘Mother of all Pinkish’, na bagama’t hindi niya pinangalanan, ay ipinagpalagay na si presidential candidate at Vice President Leni Robredo, na kasalukuyang nasa New York City, USA, kasama ang mga anak, para sa graduation ceremony ng anak na si Jillian.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/vp-leni-ibinahagi-ang-pamamalantsa-ng-toga-atbp-habang-day-1-sa-new-york/

Ibinahagi rin ni Xian na na-take down umano ang nauna niyang Facebook post tungkol dito kaya umulit na lamang siya, at itinago na lamang sa ibang pangalan ang nais talagang patungkulan nito.

“Na-take down yung post ko. Bawal palang i-mention at i-tag si Mother of all Pinkish. Ulit ulit. Take 2!” ayon sa FB post ni Xian ngayong Mayo 18.

Sa kalakip na litrato, makikitang nag-selfie ang Pambansang Lalaking Marites sa loob ng isang eroplano, na ayon sa kaniyang deskripsyon ay nasa upper deck business class cabin siya.

“Mother of all Pinkish, nandito po ako ngayon sa upper deck business class cabin ng Emirates A380-800. Kung dito po kayo gumawa ng video ng tatlo mong anak, sasabihin nila nilulustay mo ang pondo ng iyong opisina.”

“Noong nag-video naman kayo sa economy class, pakitang-tao daw po kayo.”

Kaya may payo siya kay Mother of all Pinkish.

“Next time siguro magsiksikan na lang kayong apat sa CR ng eroplano at doon gumawa ng video para wala nang masabi ang mga hampaslupa na ‘yan na araw-araw poverty class sa mga jeep at tricycle.”

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Matatandaang umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang pagtungo ng pangalawang pangulo sa ibang bansa. Maraming nagsabing pakitang-tao lamang daw ang pagsakay ni VP Leni at mga anak sa economy class.

Bagama’t Kakampink, sinita rin naman ni Xian ang mga basher sa alegasyong victory party umano ng team ni presumptive president Bongbong Marcos sa Amanpulo, na hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung totoo o hindi.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/xian-gaza-gigil-sa-kapwa-kakampinks-ukol-sa-isyu-sa-victory-party-ni-bbm-sa-amanpulo/

Ibinahagi naman ni VP Leni ang bonding moments nilang mag-anak habang nasa Big Apple.

Umani ang post ng 53K reactions at 4.6K shares.

Tags: Mother of all PinkishVP Leni RobredoXian Gaza
Previous Post

Domagoso, walang pinagsisisihan sa pagkandidato sa pagka-pangulo

Next Post

Kahit ipinatigil na ni Duterte: 6 sa e-sabong sites, nag-o-operate pa rin — PNP

Next Post
Kahit ipinatigil na ni Duterte: 6 sa e-sabong sites, nag-o-operate pa rin — PNP

Kahit ipinatigil na ni Duterte: 6 sa e-sabong sites, nag-o-operate pa rin -- PNP

Broom Broom Balita

  • Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa
  • Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila
  • 4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts
  • Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’
  • ‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

May 31, 2023
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

May 31, 2023
12 pulis, 4 PDEA agents, kinasuhan kaugnay ng ‘misencounter’ sa isang drug war op sa QC noong Pebrero

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

May 31, 2023
Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

May 31, 2023
‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

May 31, 2023
Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

May 31, 2023
Joey de Leon sa pamamaalam ng EB: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

Joey de Leon sa pamamaalam ng EB: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

May 31, 2023

Sunog sa Mandaluyong, isa, patay

May 31, 2023
‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

May 31, 2023
Bagyong Betty: Batanes, nasa Signal No. 2 pa rin–3 pang lugar, apektado

Bagyong Betty: Batanes, nasa Signal No. 2 pa rin–3 pang lugar, apektado

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.