• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Netizen na nagdasal na sana bumagsak eroplanong sinasakyan ni VP Leni, nag-sorry

Richard de Leon by Richard de Leon
May 18, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Netizen na nagdasal na sana bumagsak eroplanong sinasakyan ni VP Leni, nag-sorry

VP Leni Robredo, Aika, Tricia, at Jillian Robredo (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Agad na kumambyo at humingi ng dispensa ang isang lalaking netizen na nag-post at nagsabing dalangin niyang huwag nang bumalik sa Pilipinas si Vice President Leni Robredo at bumagsak sana ang sinasakyan nitong eroplano.

Batay sa profile photo nitong kulay pula, ipinagpapalagay na isa itong BBM supporter mula sa Mandaue City.

“Wag ka na bumalik sa Pilipinas Leni… Sana bumagsak yung airplane na sinasakyan mo… Ipagdadasal ko talaga ‘yun na bumagsak (tatlong red heart emojis) amen,” aniya.

Komento niya ito sa isang Facebook post na nagpapakita ng dagsa ng tao sa naganap na campaign rally ng mga Kakampink sa Cebu sortie.

Sa kaniyang latest Facebook post ay agad na humingi ng dispensa ang naturang netizen kay VP Leni.

“Magandang Gabi po Ma’am VP Leni Robredo,” panimula ng kaniyang post.

“Ako po ay humihingi ng patawad sa nagawang kasalanan ko nakabitaw ako ng masakit na salita sa iyo,” pahayag nito.

“Ako ay nadala lang sa aking galit, hindi ko po napigilan ang emosyon ko. Tao din po ako nagkakamali, agad naman pong na-delete.”

“Hindi ko lang po talaga napigilan ang galit ko sa mga nakikita ko na nagrarally…”

“Sana po mapatawad mo po ako!” aniya.

Screengrab mula sa FB

Batay naman sa mga Instagram story ni VP Leni ay maayos naman ang naging flight nilang tatlo ng mga anak patungong Amerika para sa graduation ni Jillian. Sa katunayan ay ineenjoy nila ang bonding moments nila sa New York.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/vp-leni-ibinahagi-ang-pamamalantsa-ng-toga-atbp-habang-day-1-sa-new-york/

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon dito ang kampo ni VP Leni. Hindi na mahagilap ang Facebook account ng naturang basher.

Tags: New YorkVP Leni Robredo
Previous Post

Rayver, tinawag na ‘my everyday inspiration’ si Julie Anne; tugon ng singer, ‘IYKYK’

Next Post

Pag-ulan sa ilang lugar sa Luzon, asahan — PAGASA

Next Post
Pag-ulan sa ilang lugar sa Luzon, asahan — PAGASA

Pag-ulan sa ilang lugar sa Luzon, asahan -- PAGASA

Broom Broom Balita

  • Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim?
  • Kris Aquino, kumpiyansang gagaling sa sakit dahil sa kaniyang bagong doktor
  • Deadline ng application para sa MUPH 2023, extended
  • ‘Cuteness Overload!’ Mga pusang tutok sa panonood, kinaaliwan
  • Parak na ‘lover’ ng misis, pinatay! Pulis na suspek, dinakip sa kampo sa Davao
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.