• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Metro

Domagoso, walang pinagsisisihan sa pagkandidato sa pagka-pangulo

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 18, 2022
in Metro
0
‘No permit, no rally policy,’ mahigpit na ipatutupad sa Maynila
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Walang pinagsisisihan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pagkandidato sa pagka-pangulo sa 2022 presidential election sa kabila ng pagkatalo nito.

“I have no regrets. Madami akong dapat ipagpasalamat sa buhay. Galing ako sa basurahan. I came from nothing. I have no regrets and will always be grateful to God,” ani Domagoso, sa panayam nitong Miyerkules.

Aniya pa, pagsapit ng Hulyo 1, siya ay magiging “citizen Isko” na lamang at nangakong magiging isang responsableng mamamayan ng bansa.

“Hindi ako nagkamali ng desisyon na sumali, kasi ay nakita ko ang pinaglalaban ko, na maiahon sa maayos na katayuan ang mga tao. It was proven correct when I saw the people sa buong bansa,” pahayag pa niya.

Ang pinakamalaki aniyang natutunan niya sa kanyang pagtakbo sa pagka-Pangulo ay nang mapatunayang napakagandang bansa ng Pilipinas, bagama’t napakarami ring mahirap na mamamayan na namumuhay sa miserableng kondisyon, lalo na sa mga lalawigan

“Kung ramdam natin ang hirap dito, mas doble ang marami nating kababayan,” aniya pa.

Bilang mamamayan ng Maynila, nanawagan din ang alkalde sa lahat ng mamamayan na magsikap at maging magaling sa kanilang napiling larangan.
Hinikayat din niya ang mga mamamayan na tulungan ang bagong administrasyon sa ilalim ng liderato nina Manila Mayor-elect Honey Lacuna at Vice Mayor-elect Yul Servo.
Una nang nagpakita ng kanyang pagiging maginoo si Moreno nang mag-concede at batiin pa si presumptive President Ferdinand Marcos Jr., sa pagkapanalo nito sa May 9 presidential elections.

Previous Post

Edu, iiwasang sumakay sa eroplano ng airline company na may pilotong nambintang kay VP Leni

Next Post

Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano

Next Post
Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano

Xian Gaza, may payo kay 'Mother of all Pinkish' kapag sasakay ng eroplano

Broom Broom Balita

  • Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda
  • Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda
  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda

Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda

September 22, 2023
Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

September 22, 2023
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.