• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

Richard de Leon by Richard de Leon
May 17, 2022
in Showbiz atbp.
0
Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

Skusta Clee (Larawan mula sa Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kasabay ng kontrobersiyal na paglabas ng awiting ‘Kumpisal’ ni Gloc-9 featuring Skusta Clee ay muling binalikan ng mga netizen ang naging panayam kay Skusta Clee o Daryl Ruiz, dahil sa naging pasabog na pag-amin ni Zeinab Harake tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Maraming netizen ang nanghihinayang na ang ganda-ganda raw ng kanta ni Gloc-9 subalit kapag nakikita nila si Skusta Clee ay bumabalik lamang daw sa inis ang kanilang nararamdaman, lalo na sa tuwing naaalala nila ang ginawa umanong pagtataksil kay Zeinab, ayon na rin mismo sa naging rebelasyon nito sa Toni Talks.

Sa nasabing panayam bago mailabas ang music video ng ‘Kumpisal’, may mga nagtanong kung kumusta naman ang lagay ng puso o buhay-pag-ibig niya ngayon. Sumagot naman si Skusta subalit hindi niya direktang binanggit ang kahit na ano patungkol kay Zeinab.

Ayon kay Skusta, hindi titibay ang isang relasyon kung walang pagkakaintindihan sa isa’t isa.

“Hindi ka naging totoo sa sarili mo. Hindi mo muna inaral ang sarili mo. Hindi n’yo inaral ang isa’t isa. Kasi doon nagsisimula ang lahat eh. Lalo na kapag hindi kayo nagkakaintindihan. Hindi lang sa isang tao ‘yun. Dapat kasi kapag kapartner, feeling ko ganoon eh.”

“Kahit anong problem, dapat magkakaintindihan kayo. Kung ano ‘yung kasalanan pagdating sa relasyon, siguro ‘yung kulang ka sa pag-intindi sa partner mo. Kasi doon magsisimula lahat ‘yun, wala nang kahit na anong explanation.”

Inamin din ni Skusta na wala naman daw siyang ‘bigat’ na nararamdaman sa kaniyang kalooban. Mas inuuna raw niyang mahalin ang sarili niya ngayon. Hindi raw kasi matututunang mahalin ang ibang tao kung hindi mamahalin ang sarili.

Nang tanungin kung kumusta na ang puso niya, “Okay naman. Kailangan mo siyang ingatan. Ako kasi, ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar. Nagmo-move forward ako. Kasi kung mag-stay ako sa isang lugar, lulugmukin ko lang sarili ko.”

Tags: KumpisalSkusta CleeZeinab Harake
Previous Post

OCTA: 7 NCR LGUs, walang naitalang bagong COVID-19 cases

Next Post

Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Next Post
Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Broom Broom Balita

  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
  • ‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.