• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

“Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… ‘yun lang sana”—Sharon Cuneta

Richard de Leon by Richard de Leon
May 17, 2022
in Showbiz atbp.
0
“Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… ‘yun lang  sana”—Sharon Cuneta

Sharon Cuneta (Larawan mula sa Manila Bulletin/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May simple ngunit makahulugang Instagram post si Megastar Sharon Cuneta noong Linggo, Mayo 15, na umani ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Ayon sa kaniyang IG post na isang art card, “Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… yun lang sana” at sa dulo nito ay may pusong kulay-pula.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa caption mismo ng IG post, nilagyan niya ito ng emojis ng nagdadasal na kamay at ‘PH’ na nangangahulugang Pilipinas.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

“Respect begets respect.”

“Hope you can teach Kakie to respect others’ decisions. We have different political beliefs and hope for some respect.”

“Kayo rin po sana.”

“It should come from you first and foremost.”

“I am one of the 14 million who stood by Leni and Kiko. You are still my megastar.”

“We love you Ate Shawie no matter what!”

“I don’t follow the ‘respect is earned’ philosophy. I respect everyone automatically and then each person has the opportunity to lose my respect based on their behavior”

“RESPETO, PAGMAMAHAL AT PAG-UNAWA ay laging at dapat nagsisimula sa loob at sariling tahanan. Kung ang mga miyembro ng tahanan ay walang ugali kagaya niyan, paano na pag nasa labas ng tahanan?”

Matatandaang kinuyog ng mga netizen, lalo na ang mga tagasuporta ng BBM-Sara supporter si Mega, dahil sa isyu ng pag-awit ni UniTeam senatorial candidate Atty. Salvador Panelo sa kaniyang iconic song na ‘Sana’y Wala Nang Wakas,’ sa isang LGBTQIA+ event ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Nilinaw naman ni Panelo na isa siyang Sharonian at kaya niya inawit ang kanta nito ay dahil alay niya sa kaniyang namayapang anak na may special needs.

Kaagad din namang humingi ng dispensa si Sharon at nagpakumbaba. Binura niya ang lahat ng mga social media posts niya tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/sharon-cuneta-humingi-ng-tawad-sa-isyung-pagdadamot-ng-kanta/

Samantala, wala pang tugon o reaksyon ang Megastar tungkol sa patutsada ng mga netizen sa kaniyang post.

Tags: Megastar Sharon Cuneta
Previous Post

Ina na biglaang namatayan ng anak dahil sa diabetes, nagbabala sa mga sintomas

Next Post

Unang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, natukoy ng DOH

Next Post
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

Unang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, natukoy ng DOH

Broom Broom Balita

  • Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’
  • Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’
  • Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’
  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’

June 30, 2022
Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

June 30, 2022
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.