• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOTr: 13.1M pasahero, naserbisyuhan ng libreng sakay ng MRT-3

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 17, 2022
in Balita, National / Metro
0
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

Photo courtesy: DOTr MRT-3

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iniulat ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na umabot na sa mahigit 13.1 milyon ang mga pasaherong napagserbisyuhan ng libreng sakay program ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa paabiso ng DOTr-MRT-3, nabatid na mula Marso 28 hanggang Mayo 16, umabot na sa kabuuang 13,150,386 ang mga pasaherong kanilang naisakay ng libre sa kanilang mga tren.

Matatandaang sa unang buwan ng naturang libreng sakay, mula Marso 28 hanggang Abril 30, 2022, nasa kabuuang 8,472,637 pasahero ang napagserbisyuhan ng linya.

Nadagdagan naman ang bilang na ito ng 4,677,749 na pasahero na nakatanggap ng libreng sakay mula noong Mayo 1 hanggang 16.

Anang DOTr-MRT-3, layunin ng libreng sakay ng MRT-3 na maipakita sa publiko ang mas pinagandang serbisyo ng linya na bunga ng pagtatapos ng malawakang rehabilitasyon nito.

Nais rin umano nilang makatulong sa mga gastusin ng mga pasahero sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin at pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Dapat sana ay hanggang Abril 30 lamang ang libreng sakay ngunit malaunan ay nagpasya ang DOTr at MRT-3 na palawigin pa ito ng hanggang Mayo 30 upang mas maraming pasahero ang mapagserbisyuhan ng MRT-3.

“Sa implementasyon ng LIBRENG SAKAY, nagsimula ring magpatakbo ang pamunuan ng MRT-3 ng mga 4-car CKD train sets sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng linya. Nakatutulong ang pagde-deploy ng mga 4-car CKD train sets sa pagpapataas ng kapasidad ng MRT-3. Sa kasalukuyan, nasa 18 hanggang 20 3-car CKD train sets at hanggang apat (4) na 4-car CKD train sets ang umaarangkada sa mainline,” anang DOTr-MRT3.

Nabatid na ang isang train car o bagon ay kayang makapagsakay ng 394 na pasahero, o 1,186 na pasahero kada 3-car train set. Ang 4-car train set ay kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero.

Para naman anila maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19, nagpapatuloy ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, pakikipag-usap sa telepono, at pagsasalita sa loob ng mga tren. Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsuot ng face shield. 

Tags: libreng sakayMRT-3
Previous Post

Pagpapadali sa pagkuha ng gun permits, aprubado ni Pangulong Duterte

Next Post

Comelec, ibinida ang highest voter turnout ngayong 2022

Next Post
Comelec sa mga suhestyon upang ganapin ang halalan 2022: ‘No ideas are off the table for now’

Comelec, ibinida ang highest voter turnout ngayong 2022

Broom Broom Balita

  • Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera
  • PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes
  • Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA
  • Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro
  • Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Isang hepe ng pulisya sa Batangas, patay matapos sumalpok sa isang 10-wheeler truck

June 29, 2022
Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

June 29, 2022
‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

June 29, 2022
Honeymoon Europe trip nina Kris at Perry, natuloy; pangarap na Adele concert, maabutan pa kaya?

Honeymoon Europe trip nina Kris at Perry, natuloy; pangarap na Adele concert, maabutan pa kaya?

June 29, 2022
15 bagyo, asahan pa ngayong 2022

15 bagyo, asahan pa ngayong 2022

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.