• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: “Wala naman kaming samaan ng loob”

Richard de Leon by Richard de Leon
May 17, 2022
in Showbiz atbp.
0
Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: “Wala naman kaming samaan ng loob”

Archie Alemania at Gab Valenciano (Larawan mula sa Manila Bulletin/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa ang komedyanteng si Archie Alemania sa mga nanatiling cast member sa revamp na ginawa sa ‘Bubble Gang’, ang longest gag show na umeere sa GMA Network.

Noong Mayo 13 ay isinagawa ang isang online press conference sa direktor at cast members nito gaya nina Michael V, Paolo Contis, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Analyn Barro, Faye Lorenzo, at Kokoy de Santos.

Naging kontrobersiyal itong si Archie dahil nga sa naging paggaya niya sa chant ni Gab Valenciano sa UniTeam campaign rallies; si Gab ay para naman sa Leni-Kiko tandem.

Nakarating sa kaalaman ni Gab ang ginawang pagpapatawa ni Archie. Niretweet ito ng anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano at nilagyan ng caption na “Game Over, Archie”.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/gab-v-pabirong-bumwelta-kay-archie-alemania-sa-panggagaya-nito-sa-kaniya-game-over-archie/

Bagama’t walang binanggit na pangalan, ipinagpalagay ng mga netizen na ang Instagram post naman ni Archie kasama ang komedyanteng si Gary Lim, ay tugon niya kay Gab.

“Nagpa-practice na kami abangan n’yo… 🤣🤣🤣 #joketime #wagseryosohin #garrylim,” aniya sa caption. Hindi na tumugon si gab tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/archie-tumugon-sa-pabirong-banat-ni-gab-na-game-over-nagpapraktis-na-raw-kasama-si-gary-lim/

Kaya nauntag si Archie tungkol dito.

“Unang-una, wala naman kaming samaan ng loob. Dati pa magkaibigan naman kami n’yan. Wala naman akong masamang tinapay kahit kanino man,” pahayag ni Archie.

Iginiit ni Archie na isa siyang komedyante at wala naman daw siyang intensiyong mang-inis o mang-asar. Mas gusto nga raw niya na siya ang pagtawanan ng mga tao.

Magkaibigan pa rin daw ang turing niya kay Gab at wala siyang sama ng loob dito o maging sa pamilya nila.

“Wala naman akong masamang tinapay kina Gab, kina Tita Angeli [Pangilinan]… I still consider Gab as my friend… Sa mga pagpapatawa ko hindi para pagtawanan ang ibang tao. It’s for people to laugh at me, not the other way around,” aniya.

Ngunit pag-amin niya, hindi pa sila nagkakausap ngayon ni Gab ngunit naniniwala siyang magkukrus ang mga landas nila nito at makakapag-usap sila. Maliit lamang daw ang mundo ng showbiz. Tiyak daw na mapag-uusapan nila ito.

Mapapanood ang bagong bihis na Bubble Gang sa Mayo 27.

Tags: Archie AlemaniaGab Valenciano
Previous Post

10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

Next Post

Xian Gaza at Barbie Imperial, ‘naglambingan’ sa social media: “Lagi mo ko inaaway…”

Next Post
Xian Gaza at Barbie Imperial, ‘naglambingan’ sa social media: “Lagi mo ko inaaway…”

Xian Gaza at Barbie Imperial, 'naglambingan' sa social media: "Lagi mo ko inaaway..."

Broom Broom Balita

  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
  • ₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.