• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
May 17, 2022
in Balita, Probinsya, Tourism
0
10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

TINGLAYAN, Kalinga – Iniulat ng Municipal Tourism Office na nasa 10,366 na tourist arrivals, kapwa lokal at dayuhan, ang bumisita sa pinakamatandang mambabatok (tattoo artist) sa bansa, matapos ang muling pagbubukas ng turismo mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Sinabi ni Johnny Tiggangay, municipal tourism officer, ang muling pagbubukas na nagsimula noong Pebrero 16 ay tugon sa hiling ng mga turista na gustong bumisita sa pinakamatandang mambabatok na si Apo Whang-od, habang ang mga taga-Buscalan ay humihiling din na muling buhayin ang kanilang pinagmumulan ng kabuhayan.

Ipinakita sa datos na ang pinakamaraming binibisitang mga lugar ng turismo ay ang industriya ng tattoo sa Buscalan, partikular kay Apo Whang-od, Bugnay Chico River, Buscalan, Loccong, Butbut Proper at Ngibat Rice Terraces,Tulgao Rice Terraces, Tulgao Hot Spring, Palang-ah Falls, Dananao Bulkan at Dananao Rice Terraces.

Ayon kay Tiggangay, bago ang muling pagbubukas, ipinag-uutos ng munisipal na pamahalaan sa kanilang mga tourism stakeholders na sumunod sa health protocols at pagsasanay ng mga tour guide para matiyak ang kaligtasan ng mga turista sa tulong ng Bureau of Fire Protection-Tinglayan at iba pang mga tanggapan.

May 42 na homestay ang natukoy sa lokalidad at may mga programang pangkapayapaan at kaayusan sa pakikipagtulungan ng pulisya at Armed Forces of the Philippines at Bodong (Peace Pact) system sa pagbabantay sa kaligtasan at kapakanan ng mga turista.

“Hindi kami nag-organisa ng anumang task force para sa turismo dahil ang mga “Umili” (mga komunidad/barangay) ang mismong task force,” ani Tiggangay

Aniya, gumaganda ang kalagayan ng ekonomiya ngayon sa Tinglayan partikular sa Buscalan sa pagbubukas ng industriya ng turismo nito.

Tags: Apo Whang-odkalinga
Previous Post

Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

Next Post

Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: “Wala naman kaming samaan ng loob”

Next Post
Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: “Wala naman kaming samaan ng loob”

Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: "Wala naman kaming samaan ng loob"

Broom Broom Balita

  • Inflation sa buwan ng Hunyo, inaasahang papalo sa 5.7% hanggang 6.5%
  • Mag-inang Aguilar, nanumpa na bilang Mayor at Vice Mayor ng Las Piñas City
  • Andrew E, itinangging nakabili ng dalawang sports car dahil sa pangangampanya sa UniTeam
  • Sen. Bong Go, naghuling selfie sa Palasyo kasama si Digong, mga miyembro ng gabinete
  • PBBM, pinangasiwaan ang oath-taking ng miyembro ng Gabinete, LGU officials
Inflation sa buwan ng Hunyo, inaasahang papalo sa 5.7% hanggang 6.5%

Inflation sa buwan ng Hunyo, inaasahang papalo sa 5.7% hanggang 6.5%

July 1, 2022
Mag-inang Aguilar, nanumpa na bilang Mayor at Vice Mayor ng Las Piñas City

Mag-inang Aguilar, nanumpa na bilang Mayor at Vice Mayor ng Las Piñas City

June 30, 2022
Andrew E, itinangging nakabili ng dalawang sports car dahil sa pangangampanya sa UniTeam

Andrew E, itinangging nakabili ng dalawang sports car dahil sa pangangampanya sa UniTeam

June 30, 2022
Sen. Bong Go, naghuling selfie sa Palasyo kasama si Digong, mga miyembro ng gabinete

Sen. Bong Go, naghuling selfie sa Palasyo kasama si Digong, mga miyembro ng gabinete

June 30, 2022
PBBM, pinangasiwaan ang oath-taking ng miyembro ng Gabinete, LGU officials

PBBM, pinangasiwaan ang oath-taking ng miyembro ng Gabinete, LGU officials

June 30, 2022
Kris sa yumaong kuya na si PNoy: ‘Please help me to survive this’

Kris sa yumaong kuya na si PNoy: ‘Please help me to survive this’

June 30, 2022
Sotto at Jaworski, nanumpa na sa tungkulin bilang alkalde at bise alkalde ng Pasig City

Sotto at Jaworski, nanumpa na sa tungkulin bilang alkalde at bise alkalde ng Pasig City

June 30, 2022
PBBM sa kaniyang inaugural speech: ‘I offended none of my rivals in this campaign’

PBBM sa kaniyang inaugural speech: ‘I offended none of my rivals in this campaign’

June 30, 2022
Netizens, sabik na para sa susunod na episodes ng ‘Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask!’

Netizens, sabik na para sa susunod na episodes ng ‘Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask!’

June 30, 2022
Senadora Imee, dinisenyo ang sariling gown na isinuot sa inagurasyon ni PBBM

Senadora Imee, dinisenyo ang sariling gown na isinuot sa inagurasyon ni PBBM

June 30, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.