• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Xian Gaza, gigil sa kapwa kakampinks ukol sa isyu sa ‘victory party’ ni BBM sa Amanpulo

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
May 18, 2022
in Balita, Eleksyon, Showbiz atbp.
0
Xian Gaza, gigil sa kapwa kakampinks ukol sa isyu sa ‘victory party’ ni BBM sa Amanpulo

Photos courtesy: Xian Gaza (Christian Gaza/FB), Ferdinand "Bongbong" Marcos (Bongbong Marcos/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila gigil na ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza sa mga isyung pinupukol ng kapwa niyang kakampinks sa umano’y victory party ni presumptive President Bongbong Marcos Jr. sa Amanpulo.  

“Tigil-tigilan niyo na ‘yung Amanpulo ni BBM. Saan niyo pala siya gusto mag-victory party? Sa Jollibee?” saad ni Gaza sa kaniyang Facebook nitong Lunes, Mayo 16 matapos pumutok ang isyu tungkol sa nasabing victory party.

“Lahat na lang hinahanapan niyo ng butas,” pasaring ng Pambansang Marites sa mga kakampink.

“Nag-private jet ba sila papuntang Iceland? Mga OA na ‘to nakakainis,” dagdag pa niya.

Certified kakampink o taga suporta ni Robredo si Gaza. Kahit na ganoon ay pupunahin pa rin niya kapag may nakita siyang mali.

“Pupunahin ko kapag may mali. Pucha wala akong makitang mali sa Amanpulo na yan napaka-big deal amputek,” sey naman siya sa comment section.

Binabatikos kasi ng mga netizens ang kumakalat na Balita na isasagawa umano ang victory party ni Marcos sa Amanpulo. 

Sikat ang Amanpulo Luxury Resort sa Pamalican Island, Palawan bilang bakasyunan ng mga mayayamang tao at sikat na artista, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Sinasabing ang pananatili ng isang buong gabi sa isla ay maaaring magkahalaga ng ₱79,000 sa pinakamababa at pinakamataas naman ay ₱500K pataas, depende sa tagal ng pananatili roon.

Kaugnay nito, kumalat sa social media ang larawan ng menu book mula sa Amanpulo Clubhouse dahil sa tila malagintong presyo ng mga pagkain doon, na ang iba ay maaaring mabili at makita sa mga pangkaraniwang lugar, gaya sa mall o kaya naman ay sa simpleng karinderya o kainan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/presyo-ng-turon-iba-pang-pagkain-sa-amanpulo-ikinawindang-ng-mga-netizen/

As of writing, wala pang pahayag ang kampo ni Marcos kung gaganapin nga ba ang victory party sa Amanpulo.

Tags: AmanpuloBongbong MarcosXian Gaza
Previous Post

Alden Richards, dumalo sa red carpet premiere ng ‘Stranger Things’ sa New York

Next Post

Anak ni Precious Lara Quigaman, escort ni Hannah Arnold sa isang Grand Santacruzan

Next Post
Anak ni Precious Lara Quigaman, escort ni Hannah Arnold sa isang Grand Santacruzan

Anak ni Precious Lara Quigaman, escort ni Hannah Arnold sa isang Grand Santacruzan

Broom Broom Balita

  • ‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Ivana Alawi, minura ng netizen
  • Olympian Carlo Paalam, pasok na sa quarterfinals
  • Rep. Roman, nag-react sa nagsabing kamukha niya si Heart
  • Sombrero galaxy, ipinasilip ng NASA
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Ivana Alawi, minura ng netizen

Ivana Alawi, minura ng netizen

September 30, 2023
Olympian Carlo Paalam, pasok na sa quarterfinals

Olympian Carlo Paalam, pasok na sa quarterfinals

September 30, 2023
Rep. Roman, nag-react sa nagsabing kamukha niya si Heart

Rep. Roman, nag-react sa nagsabing kamukha niya si Heart

September 30, 2023
Sombrero galaxy, ipinasilip ng NASA

Sombrero galaxy, ipinasilip ng NASA

September 30, 2023
Inflation, bumaba nitong Marso — PSA

EO 41, pakikinabangan ng mga negosyante, mamimili — Malacañang

September 30, 2023
‘Iti Mapukpukaw,’ opisyal na entry ng ‘Pinas sa Oscars 2024

‘Iti Mapukpukaw,’ opisyal na entry ng ‘Pinas sa Oscars 2024

September 30, 2023
DepEd, naglabas ng abiso hinggil sa mga klase sa darating na transport strike

50% ‘dissatisfied’ sa K-12; June-March acad year, mas bet ng mga Pinoy

September 30, 2023
Mayon Volcano, nagbuga ulit ng abo

Alert level ng Mayon Volcano, posibleng ibaba

September 30, 2023
Cristy Fermin, pinatutsadahan si Rendon: ‘Nagpapapansin na naman’

Cristy Fermin, pinatutsadahan si Rendon: ‘Nagpapapansin na naman’

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.