• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mag-ama, natagpuang patay sa ilog sa Mt. Province

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
May 16, 2022
in Balita, Probinsya
0
Mag-ama, natagpuang patay sa ilog sa Mt. Province
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

CAMP DANGWA, Benguet — Patay na nang matagpuan ng mga rescuers ang mag-ama na pinaniniwalaang kapuwa nalunod sa may Banawel, Natonin, Mt.Province.

Nabatid kay Capt. Marnie Abellanida, deputy information officer ng Police Regional Office-Cordillera, nakilala ang biktimang si Rindo Charwasen at anak nitong si Renz Ardel Charwasen, isang Grade 4 learner ng Layog-Ogtong Public School.

Ayon sa ulat ng Natonin Municipal Police Station kay Abellanida, noong Mayo 14, ang mag-ama ay umalis sa kanilang bahay matapos ang pananghalian at nagtungo sa ilog ng Sitio Nambatuwan, Banawel.

Hinanap sila ng mga kaanak ng mga biktima matapos nilang mapansin na hindi na umuuwi ang nasabing mag-ama ng magdamag na iyon.

Kinabukasan, Mayo 15, nag-responde ang pulisya at mga tauhan Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office at nagsagawa ng search operation sa ilog.

Unang nakuha ng mga diver ang ama na natagpuan sa ilalim ng river bed na may 5 metro ang lalim. 

Pagkaraan nito, natagpuan din nila ang pangalawang biktima, na may 2 metro ang layo mula sa kanyang ama.

Tags: Mt. Province
Previous Post

Presyo ng turon, iba pang pagkain sa Amanpulo, ikinawindang ng mga netizen

Next Post

Paul Soriano, ang direktor sa likod ng Bongbong Marcos win

Next Post
Paul Soriano, ang direktor sa likod ng Bongbong Marcos win

Paul Soriano, ang direktor sa likod ng Bongbong Marcos win

Broom Broom Balita

  • Best health care service para sa Manileño hanggang sa taong 2030, target ni Mayor Honey
  • ‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings
  • Pagtaas ng Covid-19 cases sa pagbabalik ng F2F classes, posible!
  • Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis
  • ‘Outdated’ website ng BIR, bakit kinuyog ng netizens?
‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

August 9, 2022
Metro Manila, ‘prime candidate’ para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes — CHED

Pagtaas ng Covid-19 cases sa pagbabalik ng F2F classes, posible!

August 9, 2022
Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis

Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis

August 9, 2022
‘Outdated’ website ng BIR, bakit kinuyog ng netizens?

‘Outdated’ website ng BIR, bakit kinuyog ng netizens?

August 9, 2022
Top 20 ng Idol Philippines S2, pinakilala na; ilang netizens, dismayado sa resulta

Top 20 ng Idol Philippines S2, pinakilala na; ilang netizens, dismayado sa resulta

August 9, 2022
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

Pangongolekta ng bayad, solicitation sa Brigada Eskwela, hindi pinapayagan– DepEd

August 9, 2022
Manila Bulletin, magsasagawa ng job fair sa Agosto 12

Manila Bulletin, magsasagawa ng job fair sa Agosto 12

August 9, 2022
‘Badjao Girl’ Rita Gaviola, nanay na

‘Badjao Girl’ Rita Gaviola, nanay na

August 9, 2022
Marikina City, tumanggap ng dalawang life-saving vehicles mula sa Sakai, Japan

Marikina City, tumanggap ng dalawang life-saving vehicles mula sa Sakai, Japan

August 9, 2022
#FreeWaldenBello, trending sa Twitter; netizens, naghayag ng kanilang saloobin

#FreeWaldenBello, trending sa Twitter; netizens, naghayag ng kanilang saloobin

August 9, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.