• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Metro

588 pasyente, kritikal sa Covid-19 sa Pilipinas

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 16, 2022
in Metro
0
588 pasyente, kritikal sa Covid-19 sa Pilipinas
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang 588 na pasyenteng nasa iba’t ibang ospital sa bansa dahil huling naiulat na kritikal ang kanilang kalagayan dulot ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Noong ika-15 ng Mayo 2022, mayroong 588 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,812 ICU beds para sa mga pasyenteng may Covid-19, 438 (15.6%) ang okupado. Samantala, 17.5% ng 23,707 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit,” ayon sa pahayag ng DOH nitong Lunes.

Kaugnay nito, pumapalo na lamang sa 160 kada araw ang average ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit sa bansa.

Sa lingguhang Covid-19 update ng ahensya, binanggit na mula Mayo 9-15, 2022 ay nasa 1,118 na bagong kaso ng sakit ang naitala.

Ang average ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 160, na mas mababa ng 0.3% kung ikukumpara sa mga kaso noong May 2 hanggang Mayo 8, ayon sa DOH.

Naitala naman ang 16 na binawian ng buhay kung saan 10 ay naganap noong Mayo 2 hanggang 15. 

Sa pinakahuling ulat ng DOH, mahigit sa 68 milyong indibidwal o 76.29% ng target na populasyon ang bakunado habang 13.6 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Previous Post

VP Leni, ibinahagi ang pamamalantsa ng toga, atbp. habang day 1 sa New York

Next Post

Bigas sa presyong P20 kada kilo, ‘imposibleng makamit’ ayon sa isang grupo ng magsasaka

Next Post
Bigas sa presyong P20 kada kilo, ‘imposibleng makamit’ ayon sa isang grupo ng magsasaka

Bigas sa presyong P20 kada kilo, ‘imposibleng makamit’ ayon sa isang grupo ng magsasaka

Broom Broom Balita

  • Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge
  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

July 1, 2022
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.