• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tumakbong konsehal sa Agusan del Sur, wagi matapos lumamang ng isang boto sa kalaban

Balita Online by Balita Online
May 15, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Tumakbong konsehal sa Agusan del Sur, wagi matapos lumamang ng isang boto sa kalaban

Mga larawan: Vanjune Napao/FB; Screengrab mula sa election results ng GMA Network

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakasiguro na ng pwesto sa konseho sa San Francisco, Agusan del Sur si Vanjune Napao matapos lumamang lamang ng isang boto kontra sa kalaban niyang si Carlito Tandog.

Idineklarang konsehal noong Mayo 10 si Napao matapos makakuha ng botong 12,333 at nakuha naman si Tandog ng botong 12,332, isang butas lamang ang nakapag-panalo kay Napao.

Sa Facebook post ni Napao, laking pasasalamat niya sa Panginoon at sa mga residente ng San Francisco na nagtiwala at sumuporta sa kanya. Hapon ng martes nang maiproklama ang mga bagong halal na kandidato sa Agusan del Sur.

“Katawhan sa San Francisco, Daghan kaaung salamat sa inyong pagsalig, pagsuporta, og panalangin kanako og sa tibook nakong pamilya! Sa tanang nag message og nag chat nga wala nako mareplyan tungod sa kadaghan, Daghan kaaung Salamat og pagsabot ninyo. Thank you San Francisco! (Para sa mga residente ng San Francisco, maraming salamat sa tiwala, suporta, at mga dasal niyo para sa akin at sa buong pamilya ko. Sa lahat ng nag-message at nag-chat na hindi ko na-replyan dahil sa sobrang dami, maraming maraming salamat sa pag-intindi niyo. Maraming Salamat San Francisco!),” ani Napao sa kanyang Facebook post.

Sa panayam kay Napao ng Radyo Pilipinas, DZRB 738 AM, sinabi niya na gusto niyang bigyan ng pansin ang mga kabataan na nalulong na sa mga bisyo. Kaya naman iminumungkahi ni councilor-elect na maglaan ng malaking pondo para sa sport fest para sa mga kabataan sa kanilang lugar upang malayo daw umano sa masamang gawain.

Aniya, madalas makita na nagce-cellphone na lang ang mga kabataan, na nakakaugalian na nila kaya gusto niyang bigyan ng pansin ang mga ito. Kung mag lulunsad siya umano ng sport fest, mas makakatulong ito sa mga kabataan na mahasa pa ang kanilang mga talento.

Dagdag pa niya na hindi siya masyadong kilala sa kanilang lugar pero halos araw-araw siyang naglalakad at naniniwala si Napao na inihalal siya ng mga residente sa kanila dahil sa mga programa na kanyang inilunsad.

Ang pagkapanalo ni Napao ang aniya’y nagpapatunay na bawat boto ay mahalaga.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng botente na bumoto sa kanya, na nagpapanalo daw sa kanya. Gayumpaman, nagpasalamat din siya sa mga hindi bumoto sa kanya at nangako na makakaasa pa rin sila sa kanyang serbisyo.

Hindi rin nagpahuli ng pasasalamat si Napao sa Panginoon na aniya ay siyang naglagay ng isang boto upang siya ay manalo. Dagdag pa ni Napao, ang Diyos ang siyang may alam kung sino ang karapat-dapat na malagay sa posisyon at makapag-lingkod nang tapat sa sambayanan.

Si Napao ay bahagi ng Team Gugma, sa pangunguna ni Grace Carmel Paredes–Bravo at Ryan Palabrica. Landslide ang pagkakapanalo nina Paredes–Bravo at Palabrica laban sa mga incumbent na sina Solomon Rufila at Loloy Ursos.

Nakakuha si Paredes-Bravo ng 23,853 na boto laban sa 15,729 ni Rufila, habang si Palabrica ay nakakuha ng 21,879 na boto laban sa 14,605 ni Ursos. — Karen Joy Sapico

Previous Post

149 sa kabuuang 173 COCs, na-canvass na ng Comelec

Next Post

Random audit ng VCMs, SD cards, iminungkahi ng Comelec spox lawyer

Next Post
Comelec, nangako: Magiging mas transparent sa paghahanda para sa eleksyon

Random audit ng VCMs, SD cards, iminungkahi ng Comelec spox lawyer

Broom Broom Balita

  • “I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado
  • OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?
  • Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks
  • Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’
  • Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

May 24, 2022
Mag-jowa sa Cebu City, nag-prenup photoshoot sa sementeryo

Mag-jowa sa Cebu City, nag-prenup photoshoot sa sementeryo

May 24, 2022
Kyla, ipagdarasal na lang mga basher: “I pray that in time, you’ll become a better person”

Kyla, ipagdarasal na lang mga basher: “I pray that in time, you’ll become a better person”

May 24, 2022
Zeus Collins, nag-propose sa kaniyang gf sa mismong Star Magic All-Star Games 2022

Zeus Collins, nag-propose sa kaniyang gf sa mismong Star Magic All-Star Games 2022

May 24, 2022
80 anyos na Singaporean, itinanghal bilang ‘oldest climber’ ng Mt. Apo

80 anyos na Singaporean, itinanghal bilang ‘oldest climber’ ng Mt. Apo

May 24, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

May 23, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.