• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mariel, masayang nakapagsuot ulit ng pink outfit; mister na si Robin, Kristine Hermosa, nag-react

Richard de Leon by Richard de Leon
May 14, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Mariel, masayang nakapagsuot ulit ng pink outfit; mister na si Robin, Kristine Hermosa, nag-react

Mariel Rodriguez, Robin Padilla, at Kristine Hermosa-Sotto (Larawan mula sa IG/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Masayang ibinahagi ni Mariel Rodriguez-Padilla na finally, matapos ang ilang buwan, ay nakapagsuot na rin siya ng pink outfit, ayon sa kaniyang latest Instagram post nitong Mayo 12, 2022.

“Yehey pwede na ulit mag-Pink!!! #PinkloverOG,” saad ni Mariel sa kaniyang caption. Ibinida niya ang kaniyang selfie na nakasuot siya ng pink outfit.

View this post on Instagram

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

Nagkomento naman dito ang mga celebrity friends na sumuporta sa kandidatura ng BBM-Sara gaya nina Alex Gonzaga, Karla Estrada, at iba pa.

Nagkomento rin dito ang misis ni Oyo Boy Sotto na si Kristine Hermosa, na kamakailan lamang lumantad na BBM supporter, matapos magpalit ng kulay pulang background sa profile picture ng kaniyang Facebook account. Nanawagan kasi ang mga BBM-Sara supporters na magpalit ng pulang profile pic ang 31M na sumuporta at bumoto sa kanila. Marami ang nagulat sa kaniyang ginawang paglantad dahil sa buong kampanya ay tahimik lamang si Tin.

Kristine Hermosa.......... : r/Philippines
Screengrab mula sa FB/Kristine Hermosa-Sotto

“@marieltpadilla Yehey!!!!!!👏” saad nito.

Nagkomento rin dito ang mister na si UniTeam senatorial candidate Robin Padilla na siyang nangunguna sa Top 12.

“Yes babe favorite natin na color,” wika ni Robin.

Tumugon naman dito si Mariel, “@robinhoodpadilla yes babe hehehehehee ilabas ko na lahat hahahaa.”

Pink ang kulay-politika ng mga Kakampink na sumusuporta sa Leni-Kiko tandem. Matatandaang naging batayan ng panghuhula ng mga netizen kung sinong kandidato o anong partido ang sinusuportahan ng mga celebrity sa halalan, batay sa kulay ng suot ng damit.

Isa na rito ang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas matapos kumalat ang isang pekeng balita na isa siyang Kakampink, dahil sa kumalat na litrato niyang nakasuot ng pink outfit.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/

Agad namang nilinaw ito ni Ai Ai at diretsahan niyang sinabing hindi siya tagasuporta ni VP Leni Robredo. Ang kumalat daw na litrato na nakasuot siya ng pink ay mula sa kaniyang pelikulang ‘Ang Tanging Ina N’yong Lahat’ kung saan naging presidente ng Pilipinas ang kaniyang karakter.

Isa pa rito ay si Iglesia Ni Cristo member at actress-TV host Gladys Reyes, na bagama’t walang sinabing kandidatong susuportahan, ay nagsabing tatalima sa endorso ng kanilang pamunuan. Ang inendorso ng INC ay BBM-Sara gayundin ang ilan pang UniTeam senatorial candidates. Nilinaw din ni Gladys na sana raw ay huwag bigyang-kahulugan ang kulay ng suot.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/07/gladys-reyes-tumindig-sa-desisyon-ng-inc-nilinaw-ang-isyu-tungkol-sa-pagsusuot-ng-pink-outfit/

Tags: Kristine Hermosa-Sottomariel rodriguezpink outfitrobin padilla
Previous Post

Ill-gotten wealth ng pamilya Marcos, malabo nang mabawi — Martial law victims

Next Post

K Brosas, pumalag sa ‘makulit’ na bashers, trolls: ‘Mangisay kayo na dimunyu! lol!’

Next Post
K Brosas, pumalag sa ‘makulit’ na bashers, trolls: ‘Mangisay kayo na dimunyu! lol!’

K Brosas, pumalag sa 'makulit' na bashers, trolls: 'Mangisay kayo na dimunyu! lol!'

Broom Broom Balita

  • Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%
  • Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA
  • Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan
  • Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”
  • Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%

May 24, 2022
Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

May 24, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan

May 24, 2022
Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

May 24, 2022
Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

May 24, 2022
Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

May 24, 2022
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.