• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lolit Solis: Atrebida raw si Andrea Brillantes; ‘Palagay ba niya nakatulong siya kay Leni? Baka nga nakabawas pa siya ng boto’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
May 14, 2022
in Balita, Eleksyon, Showbiz atbp.
0
Lolit Solis: Atrebida raw si Andrea Brillantes; ‘Palagay ba niya nakatulong siya kay Leni? Baka nga nakabawas pa siya ng boto’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila tinalakan ng batikang showbiz columnist na si Lolit Solis ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes dahil sa naging pahayag nito na dismayado siya sa resulta ng eleksyon.

“O nakita mo na Salve kung ano nangyari sa pagiging atrebida ni Andrea Brillantes,” panimula ni Lolit sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, Mayo 13.

Saad pa niya, inalis daw umano si Andrea ng isang salon na kung saan nakakakuha siya ng libreng service. 

“Pati salon daw kung saan nakakakuha siya ng libreng service inalis daw siya dahil sa pagtawag niyang bobo sa mga supporters ni BBM,” anang showbiz columnist.

“Kung big star si Andrea baka pinalagpas pa iyon, pero dahil isang wala naman ningning na baguhan, talagang snob ang treatment sa mga arte niya. Sabi ko nga, lahat kaya mo pag meron kang star power, pero kung isa ka lang wannabe hindi ka nila palalagpasin sa mga kagagahan mo,” patutsada pa niya.

Saad pa ni Lolit, baka raw manatiling bituing walang ningning si Andrea kung magpapatuloy siya sa ginagawa nito.

“Know your place, your ranking, your level, bago ka magbitaw ng anuman salita. Palagay ba ni Andrea Brillantes nakatulong siya kay Leni Robredo? Baka nga nakabawas pa siya ng boto.

“Now, aral na ito para sa lahat, totoo, ipaglaban mo ang choice mo, huwag kang patalo. Pero maging maingat ka rin at sana nakatulong ka nga sa gusto mong kandidato. Saka huwag OA, tignan mo, mukha kang engot dahil hindi ka sineseryoso, kasi nga, susuporta ka pa lang OA ka na, ‘di lalo na ‘pag nandoon ka na,” paglalahad pa ni Lolit.

“Baka manatili kang Bituin Walang Ningning Andrea Brillantes, hanap ka na lang uli ng free make up service, sayang din iyon libre, hah hah hah. Or else, manghiram ka na lang ng make up sa mga Pink ladies, mas bongga,” aniya.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Matatandaan na nagpahayag ng pagkadismaya si Andrea Brillantes sa sa resulta ng partial at unofficial results ng halalan.

“Wala na akong pake sa respect my decision eme na ‘yan! Sorry pero nakaka-disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!” aniya.

Basahin ang buong pahayag: https://balita.net.ph/2022/05/11/first-time-voter-na-si-andrea-brillantes-dismayado-sa-resulta-ng-halalan-hindi-na-tayo-natuto/

Hindi ito ang unang beses na pinatutsadahan ni Lolit si Andrea. Matatandaan na pinuna ng showbiz columnist ang ‘gimmick’ umano ng Kapamilya actress pagdating sa pormahan, pag-aayos sa sarili, at mga ‘gimmick’ nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/05/lolit-sinita-ang-mga-gimmick-ni-blythe-maging-brilliant-sana-ang-andrea-brillantes/
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/05/13/ceo-ng-isang-beauty-product-kukuning-endorser-si-kitty-duterte-andrea-itsapuwera-na/

Tags: Andrea BrillantesLolit Solis
Previous Post

31st SEA Games: Pinoy triathlete Mangrobang, nakasungkit ulit ng gold

Next Post

Malaking tapyas-presyo sa petrolyo, asahan sa Mayo 17

Next Post
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Malaking tapyas-presyo sa petrolyo, asahan sa Mayo 17

Broom Broom Balita

  • “I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado
  • OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?
  • Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks
  • Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’
  • Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

May 24, 2022
Mag-jowa sa Cebu City, nag-prenup photoshoot sa sementeryo

Mag-jowa sa Cebu City, nag-prenup photoshoot sa sementeryo

May 24, 2022
Kyla, ipagdarasal na lang mga basher: “I pray that in time, you’ll become a better person”

Kyla, ipagdarasal na lang mga basher: “I pray that in time, you’ll become a better person”

May 24, 2022
Zeus Collins, nag-propose sa kaniyang gf sa mismong Star Magic All-Star Games 2022

Zeus Collins, nag-propose sa kaniyang gf sa mismong Star Magic All-Star Games 2022

May 24, 2022
80 anyos na Singaporean, itinanghal bilang ‘oldest climber’ ng Mt. Apo

80 anyos na Singaporean, itinanghal bilang ‘oldest climber’ ng Mt. Apo

May 24, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

May 23, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.