• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

K Brosas, nag-shot puno; suportado ang Angat Buhay NGO ni VP Leni

Richard de Leon by Richard de Leon
May 14, 2022
in Showbiz atbp.
0
K Brosas, nag-shot puno; suportado ang Angat Buhay NGO ni VP Leni

K Brosas (Screengrab mula sa Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng komedyante at Kakampink na si K Brosas na sinusuportahan niya ang planong ‘Angat Buhay NGO’ ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo, ayon sa kaniyang anunsyo kagabi, Mayo 13, sa naganap na pasasalamat ng Leni-Kiko tandem sa vicinity ng Ateneo De Manila University sa Quezon City.

Sinabi ni VP Leni na hindi lamang natatapos sa halalan at termino bilang pangalawang pangulo ang kaniyang serbisyo-publiko, bagay na ikinagalak naman ng mga nagsipagdalo at online attendees na Kakampink.

Nagbigay rin ng comforting words ang presidential candidate sa mga Kakampink na damhin lamang ang sakit na naramdaman dulot ng halalan, subalit huwag bumabad dito at patuloy pa ring kumilos upang i-angat ang buhay ng mga Pilipino. Kaya naman, napagpasiyahan niyang ipagpatuloy ang kaniyang programa lalo’t lumitaw ang volunteerism spirit sa panahon ng kampanya, kaya nabuo ang ‘Pink Movement’.

Magsisimula na raw ito sa Hulyo 2022 at walang pipiliing tutulungan.

Suportado naman ito ng celebrity Kakampink na si K Brosas na kilalang game sa pagsagot sa bashers at trolls, gayundin sa pagsama niya sa pangangampanya para sa Leni-Kiko tandem.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/14/k-brosas-pumalag-sa-makulit-na-bashers-trolls-mangisay-kayo-na-dimunyu-lol/

Naging viral pa nga ang pagkasa niya sa ‘shot puno’ o pagtagay nang minsang magbahay-bahay sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/k-brosas-naki-karaoke-tagay-at-muntik-nang-magtampisaw-habang-kinakampanya-ang-tambalang-leni-kiko/

At dahil maraming humiling sa kaniya na mag-shot puno, muli siyang nagpasampol.

“Gusto ko lang sabihin sa inyo na susuportahan ko po yung NGO ni VP Leni, yung Angat Buhay, susuportahan ko po kayo,” sey ni K. Maya-maya, inilabas na niya ang ‘shot puno’ at itinungga ito.

haaayy.. alam mo ikaw.. 😅😩 https://t.co/rQTCJwRfAP pic.twitter.com/z06JdSeEuq

— carmela brosas (@kbrosas) May 13, 2022

“Sa gobyernong tapat, mapapa-shot puno ka pa rin talaga,” natatawang sabi ni K sa kaniyang video na ibinahagi niya sa kaniyang tweet noong Mayo 13.

Habang isinusulat ito ay trending na sa Twitter ang AB NGO o Angat Buhay NGO.

Tags: Angat Buhay NGOk brosasshot puno
Previous Post

Jinkee, may makabagbag-damdaming mensahe kay ‘Babe Manny’ matapos matalo sa halalan

Next Post

NPA squad leader, nasukol sa Davao Oriental–6 baril, nasamsam

Next Post
NPA squad leader, nasukol sa Davao Oriental–6 baril, nasamsam

NPA squad leader, nasukol sa Davao Oriental--6 baril, nasamsam

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.