• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Jake Ejercito, nagpasalamat sa inspirasyon, sakripisyo ng Robredo sisters

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 14, 2022
in Balita, Eleksyon, Showbiz atbp.
0
Jake Ejercito, nagpasalamat sa inspirasyon, sakripisyo ng Robredo sisters

Jake Ejercito kasama ang Robredo sisters

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ni Jake Ejercito ang larawan ng reunion niya sa Robredo sisters sa naganap na thanksgiving event ng Leni-Kiko tandem sa Ateneo de Manila University, Biyernes.

“Salamat sa inspirasyon at sakripisyo, Aika, Tricia, and Jill,” mababasa sa Facebook post ni Jake.

Makikita sa larawan ang pagyakap ni Jake sa magkakapatid.

Matatandaan ang naging aktibong pakikiisa ni Jake sa kampanya ni Robredo kabilang ang inisyatibang house to house campaign o palengke run kasama ang magkapatid.

Sa isa ring Facebook live ni Vice President Leni Robredo, mapapansin ang tila malalim nang samahang nabuo ng magkakapatid sa aktor.

“Mahal ka ng mga anak ko,” sambit ng bise-presidente nang makitang nanunuod sa kanyang live si Jake.

Binati rin ni Robredo ang anak ni Jake na si Ellie.

Nauna nang pinasalamatan ng aktor sina Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa pagpukaw sa damdamin ng nakararami sa kabila ng tila hindi pumabor na resulta ng eleksyon sa pangunguna ni Bongbong Marcos Jr. sa counting of votes.

“The movement your candidacies sparked is indeed unlike any other our country has seen and that is already a victory in itself. Hindi man nakuha ang pinangarap na resulta, walang pagsisisi sa pakikipaglaban,” saad ni Jake.

 “Marahil kinapos tayo o hindi pa talaga handa ang karamihan, pero nanalo pa rin tayo. Hindi sa balota, kung hindi sa natuklasan at nararamdaman nating pag-asa. Wag natin sayangin,” dagdag niya.

Basahin: Jake Ejercito sa isinilang na ‘movement’ ng Leni-Kiko tandem: ‘Walang pagsisisi sa pakikipaglaban’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tags: Aika Robredojake ejercitoJillian RobredoTricia Robredo
Previous Post

Ogie Alcasid, may mensahe sa composer ng ‘Rosas’: ‘Keep writing the anthems of today’s youth’

Next Post

Filipina fencer Samantha Catantan, naka-gold medal sa SEA Games sa Vietnam

Next Post
Filipina fencer Samantha Catantan, naka-gold medal sa SEA Games sa Vietnam

Filipina fencer Samantha Catantan, naka-gold medal sa SEA Games sa Vietnam

Broom Broom Balita

  • Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%
  • Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA
  • Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan
  • Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”
  • Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%

May 24, 2022
Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

May 24, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan

May 24, 2022
Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

May 24, 2022
Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

May 24, 2022
Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

May 24, 2022
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.