• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

British writer Neil Gaiman, nag-react sa umano’y pagrered-tag sa Adarna House

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
May 13, 2022
in Balita, National / Metro
0
British writer Neil Gaiman, nag-react sa umano’y pagrered-tag sa Adarna House

Photos courtesy: Neil Gaiman (Master Class via Neil Gaiman/Twitter) and Adarna House (Facebook)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nag-react ang New York Times bestselling author na si Neil Gaiman sa isang tweet tungkol sa umano’y pagrered-tag sa Adarna House. 

Niretweet ni Gaiman ang isang tweet ng isang news outlet tungkol sa umano’y pagrered-tag sa local publisher na Adarna House.

“Not good,” maikling tweet ng British writer. Kilala si Gaiman sa kaniyang mga fantasy novel at science fiction story. Kabilang sa kaniyang mga bestselling books ay ang American Gods (2001), Neverwhere (1995), Stardust (1999), and Coraline (2002).

Not good. https://t.co/1fQJhwCyMg

— Neil Gaiman (@neilhimself) May 12, 2022

Noong Miyerkules, Mayo 11, inanunsyo ng Adarna House na magbibigay sila ng 20% discount sa mga librong pambata na patungkol sa Martial Law. Kabilang dito ang “Ito ang Diktadura” ni Equipo Plantel, “EDSA” ni Russell Molina, “Isang Harding Papel” at “Si Jhun-Jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Militar” ni Augie Rivera, at “The Magic Arrow” ni Bolet Banal.

View this post on Instagram

A post shared by Adarna House (@adarnahouse)

Umabot ang balitang ito kay National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo at sinabi niyang nira-radicalize ng Adarna House ang mga batang Pilipino laban sa gobyerno.

“This is how the CPP/NPA/NDF radicalize not just our youths, but our children. The Adarna Publishing House published these books and they are now on sale to subtly radicalize  the Filipino children against our Governement, now!” saad ni Monteagudo sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 12.

Gayunman, kinondena ng author ng “Si Jhun-Jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Militar” na si Augie Rivera ang mga paratang at alegasyon ni Monteagudo.

“Mariin kong kinokondena  at itinatanggi ang mga paratang at alegasyon na isinasaad sa Facebook post sa ibaba. Wala akong kahit anong koneksyon sa mga grupong nabanggit,” ani Rivera sa isang Facebook post.

“At isinulat ko ang librong “Si Jhun-Jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Militar” noon pang 2001, bilang bahagi ng 5-book series na “Batang Historyador” na pinublish ng Unicef Philippines at Adarna House. Bilang ‘historical fiction,” tampok dito ang mga kuwento ng pakikipagsapalaran at pagkamulat ng mga kabataan at mahahalagang pangyayari at aral ng ating kasaysayan,” dagdag pa niya. May kalakip din itong #NoToRedTagging.

Tags: Adarna HouseNeil Gaimanred-tagging
Previous Post

Vicki Belo, sinita nang pumila sa senior citizen lane noong eleksyon

Next Post

NICA Chief Monteagudo, nired-tag umano ang Adarna House; Isa sa mga author, pumalag

Next Post
NICA Chief Monteagudo, nired-tag umano ang Adarna House; Isa sa mga author, pumalag

NICA Chief Monteagudo, nired-tag umano ang Adarna House; Isa sa mga author, pumalag

Broom Broom Balita

  • Bibingka, kasama sa ‘100 best cakes in the world’
  • #GoingStrong: Mga Celebrity couples na mahigit 15 taon na ang relasyon
  • ‘Basta mag-aral nang mabuti ha?’ Technician, libreng inayos ang sirang phone ng estudyante
  • Alex Gonzaga, nakipag-meet-and-greet sa fans bilang pasasalamat sa suporta
  • ‘Sey mo, Tom?’ Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.