• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Mga insidente ng election-related violence, pinalulutas sa PNP

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
May 12, 2022
in National / Metro
0
Mga insidente ng election-related violence, pinalulutas sa PNP
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) na tugisin ang nasa likod ng mga insidente ng karahasang may kaugnayan sa nakaraang 2022 national elections.

Sa kanilang pahayag nitong Huwebes, binanggit ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na nakatuon ngayon ang ahensya sa 16 na magkakahiwalay election-related incidents sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong araw ng eleksyon.

Ang hakbang ng CHR ay kasunod na rin ng pagdeklara ng Comelec ng failure of election sa 14 na barangay sa Lanao de Sur nitong Miyerkules dahil na rin sa mga nasirang vote counting machines (VCMs) at official ballots na resulta ng karahasan.

“These incidents of shootings, strafing, and use of exploding devices not only seek to sow fear and discord on the day of elections but also mar the credibility of the elections. We urge law enforcement officials to conduct follow-up operations on individuals responsible so that they may be held accountable for their crimes,” ayon kay de Guia.

Kaugnay nito, umapela rin ang CHR sa Comelec na magpaliwanag kaugnay ng naranasang malawakang pagpalya ng mga VCMs nitong araw ng halalan kaya naantala ang botohan sa ilang lugar sa bansa.

“In ensuring the credibility of the elections, the Commission on Elections has the utmost responsibility to explain to the Filipino citizenry the reasons for multiple and numerous VCM malfunctions and delay in of arrival of SD cards; provide countermeasures to ensure non-recurrence of these problems in the next elections,” sabi pa ng CHR.

Previous Post

Aljur Abrenica, napakomento sa pangunguna ng biyenang si Robin sa senatorial race

Next Post

Awra Briguela, kanino may patutsada?: ‘Kapal din ng mukha nung isa dyan na maglalabas pa ng kanta…’

Next Post
Awra Briguela, kanino may patutsada?: ‘Kapal din ng mukha nung isa dyan na maglalabas pa ng kanta…’

Awra Briguela, kanino may patutsada?: 'Kapal din ng mukha nung isa dyan na maglalabas pa ng kanta...'

Broom Broom Balita

  • 11 police units at offices sa Nueva Vizcaya, idineklarang ‘drug-free’
  • Programa laban sa kahirapan, kagutuman paiigtingin pa ng gov’t — DSWD chief
  • Magisisimula ulit: Kaibigan, fans ni Pokwang, nagpaulan ng mensahe ng suporta sa komedyante
  • Parang disi-otso lang! Anne Curtis, glowing momma bago ang ika-38 kaarawan ngayong buwan
  • Isa sa mga suspek sa pagpatay sa barangay captain sa Nueva Ecija, arestado!
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.