• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Apela sa petisyong ideklara bilang nuisance candidate si BBM, ibinasura na rin ng Comelec

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 12, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
One Cebu, suportado si Bongbong Marcos

Bongbong Marcos (photo by Noel Pabalate/MB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinasura na rin ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang apela sa petisyong humihiling na ideklara si Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., bilang isang nuisance candidate o panggulong kandidato.

Sa resolusyong na-promulgate ng Comelec en banc nitong Miyerkules at inilabas nitong Huwebes lamang, nabatid na pinagtibay ang nauna nang desisyon ng Comelec 2nd Division na nagbabasura sa naturang petisyon ni Danilo Lihaylihay.

Batay sa naturang desisyon, na pirmado nina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, Rey Bulay at Aimee Torrefranca-Neri, wala namang bagong argumentong iprinisinta ang petisyoner upang mabago ang naunang desisyon ng poll body.

Nabatid na sa naunang kautusan ng Comelec 2nd Division, ibinasura ang petisyon dahil hindi nito napatunayan na nais lamang ng respondent na gawing katatawanan ang eleksyon.

Wala ring patunay sa alegasyon ng petisyoner na nagdulot ng kalituhan ang paghahain ng kandidatura ng respondent.

Hindi rin umano napatunayan sa alegasyon na walang ‘bonafide intention’ si Marcos sa pagkandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

“WHEREFORE, in view of the foregoing, the Commission (en banc) DENIES Respondent’s Motion for Reconsideration dated 22 December 2021 and AFFIRMS the Resolution of the Commission (Second Division) promulgated on 16 December 2021,” bahagi pa ng resolusyon.

Sinabi naman ng Comelec na maaari pang iakyat ng petisyoner ang kaso sa Supreme Court upang doon dinggin at magbaba ng pinal na desisyon ukol sa usapin. 

Tags: Bongbong Marcoscomelecnuisance candidate
Previous Post

Harry Roque, ‘di pasok sa Senado pero nagpasalamat pa rin

Next Post

Mensahe ni PRRD sa maluluklok na pangulo: ‘Serve the Filipino people with all your heart and ability’

Next Post
‘Public Service Act,’ naisabatas na

Mensahe ni PRRD sa maluluklok na pangulo: 'Serve the Filipino people with all your heart and ability'

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.