• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Higit 60 indibidwal, nadakip sa paglabag sa liquor ban noong panahon ng eleksyon sa QC

Balita Online by Balita Online
May 11, 2022
in Balita
0
Higit 60 indibidwal, nadakip sa paglabag sa liquor ban noong panahon ng eleksyon sa QC

Larawan mula Unsplash

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May kabuuang 64 na indibidwal ang inaresto sa Quezon City dahil sa umano’y paglabag sa liquor ban noong Linggo, Mayo 8, at noong araw ng halalan, Mayo 9, inihayag ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkules, Mayo 11.

Sinabi ng QCPD Kamuning Police Station (PS 10) na 33 katao ang nahuli sa tatlong magkakahiwalay na operasyon noong Linggo. Labingsiyam sa mga lumabag ay nahuli sa Maunlad at Mabilis Streets sa Barangay Pinyahan bandang 1:30 ng madaling araw, habang 11 iba pa ang nahuli bandang 1:50 ng umaga sa Barangay Central, at tatlo pa sa Campupot St. sa Brgy. Roxas. Dibisyon bandang alas-9 ng gabi.

Siyam na umano’y lumabag sa liquor ban ang inaresto ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) sa kanto ng Commonwealth Ave. at Simon St. sa Brgy. Banal na Espiritu bandang 2 a.m. sa parehong araw.

Noong Mayo 8 din, nahuli ng mga operatiba ng Police Station 13 ang apat na indibidwal sa Barangay Payatas bandang 9:43 p.m., habang ang mga pulis ng Police Station 15 ay nahuli ang tatlong tao sa Brgy. Bagong Pag-asa at 7:10 p.m.

Samantala, inanunsyo ng Talipapa Police Station (PS 3) ang pag-aresto sa walong iba pang itinuturong lumabag sa Barangay Bahay Toro.

Sinabi ng pulisya na apat na katao ang nahuli noong Linggo sa BS Aquiono St. sa Sitio Militar bandang alas-6:42 ng gabi, at apat na iba pa sa kanto ng Roads 18 at 23 noong Lunes.

Naaresto rin ng mga operatiba ng Masabong Police Station (PS2) nitong Lunes ang pitong indibidwal, dalawa sa mga ito sa Barangay Bungay bandang 1:45 ng madaling araw, at lima pang lumabag sa Barangay San Antonio bandang 8:30 ng gabi.

Mahaharap ang lahat ng mga suspek sa kasong paglabag sa City Ordinance No. SP-2752, S-2018 (Drinking Intoxicating Liquor in Public Places) kaugnay ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10746 (liquor ban).

Aaron Homer Dioquino

Tags: quezon city
Previous Post

Esperon, kinukumbinsi si Robredo na mag-concede na!

Next Post

Daan-daang raliyista sa Bataan, Bulacan, Pampanga, mapayapang nadispersa

Next Post
Daan-daang raliyista sa Bataan, Bulacan, Pampanga, mapayapang nadispersa

Daan-daang raliyista sa Bataan, Bulacan, Pampanga, mapayapang nadispersa

Broom Broom Balita

  • 15.55% sa 168.9M SIM cards sa bansa, rehistrado na rin
  • DOH, nakapag-ulat ng 199 bagong kaso ng Covid-19
  • 10 timbog sa ₱7M smuggled na petroleum products sa Tawi-Tawi
  • ‘Kaya rin ng babae’: Kababaihan sa Biliran, nagsanay sa pagtutubero, pagmamason
  • Natural na pag-awra ni Kendra Kramer sa isang shoot, tumabo ng 10M views, usap-usapan online
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.