• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Robin Padilla, hindi rin makapaniwalang nanguna sa pagkasenador: “Gusto po nila ay yung plataporma”

Richard de Leon by Richard de Leon
May 10, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Robin Padilla, hindi rin makapaniwalang nanguna sa pagkasenador: “Gusto po nila ay yung plataporma”

Robin Padilla (Larawan mula FB ni Robin Padilla/Screengrab mula sa GMA News)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Aminado si senatorial candidate Robin Padilla na maski siya ay nagugulat na nangunguna siya ngayon sa karera ng pagkasenador, batay sa partial at unofficial results ng mga boto na lumabas nitong Mayo 9 ng gabi.

Aniya sa panayam ni GMA news anchor Jessica Soho, sa palagay niya ay hindi siya naluklok dahil sa popularidad kundi dahil sa mga inilatag na plataporma, gaya ng federalismo.

“Kapag hindi nagbago yung trend at ako ay nanatili sa pagiging number one, isa lang po ang ibig sabihin non. Ang tao gusto na talaga ng federalism at ‘yan po ang napakalaking hamon sa lahat po ng mga senador na mananalo po magmula sa akin,” saad ni Padilla.

Ang federalismo ay “mixed or compound mode of government that combines a general government with regional governments in a single political system, dividing the powers between the two.”

“Ang naging number one po dito ay yung kagustuhan ng taumbayan na palitan na po natin ang Saligang Batas, ‘yun po ang aking pinaniniwalaan. Yun po ang gusto ng taong-bayan. Hindi po ako, ang gusto po nila ay yung plataporma na ibigay ang kapangyarihan sa mga lalawigan,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan ni Robin ang lahat ng mga tagasuporta niya, na bagama’t wala raw siyang pera o makinarya ay naniwala pa rin sa kaniya.

Tags: robin padillasenatorial race
Previous Post

Robredo, nagpasalamat sa natanggap na suporta mula kampanya hanggang eleksyon

Next Post

Vico Sotto, muling nanalo bilang alkalde ng Pasig City; mga kaalyado, panalo rin!

Next Post
Vico Sotto, muling nanalo bilang alkalde ng Pasig City; mga kaalyado, panalo rin!

Vico Sotto, muling nanalo bilang alkalde ng Pasig City; mga kaalyado, panalo rin!

Broom Broom Balita

  • Kris Aquino, mga anak, tinamaan ng Covid-19: ‘This isn’t a permanent goodbye’
  • PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas
  • Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’
  • Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’
  • Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’
Kris Aquino, mga anak, tinamaan ng Covid-19: ‘This isn’t a permanent goodbye’

Kris Aquino, mga anak, tinamaan ng Covid-19: ‘This isn’t a permanent goodbye’

June 30, 2022
PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

June 30, 2022
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’

June 30, 2022
Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

June 30, 2022
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.