• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mariel, nagpasalamat sa lahat ng mga bumoto kay Robin

Richard de Leon by Richard de Leon
May 10, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Mariel, nagpasalamat sa lahat ng mga bumoto kay Robin

Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla (Larawan mula sa FB ni Mariel Rodriguez-Padilla)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpahatid ng pasasalamat ang misis ni senatorial candidate Robin Padilla na si Mariel Rodriguez, sa lahat ng mga sumuporta at mga taong tumulong sa kandidatura ng kaniyang mister, lalo na’t si Robin ang nangunguna sa Top 12 ng mga pagkasenador.

Maaga pa lamang ay bumangon na si Mariel upang bumoto, ayon sa kaniyang Facebook post noong Mayo 9, sa araw ng halalan.

“I voted!!!! Woke up at 5:15am showered at 5:20… arrived at 5:58. Lined up. Finished voting at 7am!!!! I AM SO PROUD OF YOU @robinhoodpadilla i was so emotional while shading #49 mahal na mahal kita ROBIN PADILLA!!!!” saad niya sa kaniyang caption.

Hanggang sa maglabas na nga ng partial at unofficial results ng boto at manguna na nga si Binoe.

“On this day, allow me to thank everyone who showed their support for Robin. Luzon, thank you so much! From motorcades to caravans, nandyan kayo for Robin kaya maraming maraming salamat!” saad ni Mariel para sa mga bumoto kay Robin sa Luzon.

Para naman sa Visayas, “Maraming maraming salamat po sa lahat ng taga-Visayas na sinamahan si Robin sa kampanyang ito. I am very thankful for all the efforts and sacrifices you have given to support Robin.”

At para naman sa Mindanao, “Hanggang Mindanao, napakaraming sumusuporta kay Robin. Thank you very much Mindanao especially sa mga kapatid na Muslim ni Robin. Representation n’yo po sa senado ang pinaglalaban niya.”

“My Senator 💚 is #1 😭😭😭 we are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming-maraming salamat,” pahayag ni Mariel.

May be an image of 2 people and indoor
Robin Padilla at Mariel Rodriguez (Larawan mula sa FB/Mariel Rodriguez)

Humagulhol si Mariel dahil wala talaga silang pera at makinarya. Malaki ang pasasalamat ni Mariel sa mga kasamahan ni Robin sa UniTeam na sina dating senador Jinggoy Estrada at dating DPWH Secretary Mark Villar dahil sa pagpapaangkas at pagtulong umano nila sa mister sa panahon ng pangangampanya.

Aminado si Robin na maski siya ay nagugulat na nangunguna siya ngayon sa karera ng pagkasenador, batay sa partial at unofficial results ng mga boto na lumabas nitong Mayo 9 ng gabi.

Aniya sa panayam ni GMA news anchor Jessica Soho, sa palagay niya ay hindi siya naluklok dahil sa popularidad kundi dahil sa mga inilatag na plataporma, gaya ng federalismo.

“Kapag hindi nagbago yung trend at ako ay nanatili sa pagiging number one, isa lang po ang ibig sabihin non. Ang tao gusto na talaga ng federalism at ‘yan po ang napakalaking hamon sa lahat po ng mga senador na mananalo po magmula sa akin,” saad ni Padilla.

Ang federalismo ay “mixed or compound mode of government that combines a general government with regional governments in a single political system, dividing the powers between the two.”

“Ang naging number one po dito ay yung kagustuhan ng taumbayan na palitan na po natin ang Saligang Batas, ‘yun po ang aking pinaniniwalaan. Yun po ang gusto ng taong-bayan. Hindi po ako, ang gusto po nila ay yung plataporma na ibigay ang kapangyarihan sa mga lalawigan,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan ni Robin ang lahat ng mga tagasuporta niya, na bagama’t wala raw siyang pera o makinarya ay naniwala pa rin sa kaniya.

Si Robin ay isa sa mga inendorso ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Tags: Mariel Rodriguez-Padillarobin padillasenatorial race
Previous Post

Karen Davila, Mel Tiangco, gigil nga ba sa Comelec?

Next Post

3 MRs sa DQ cases, at isang apela para sa kanselasyon ng COC ni BBM, ibinasura ng Comelec

Next Post
Benhur Abalos, taos pusong nagpasalamat sa pagsuporta ng PDP-Laban kay BBM

3 MRs sa DQ cases, at isang apela para sa kanselasyon ng COC ni BBM, ibinasura ng Comelec

Broom Broom Balita

  • ₱500 buwanang ayuda, ipamamahagi na sa Hulyo 4 — DSWD
  • Kanlaon Volcano, 41 beses yumanig
  • Mayor Honey, hindi magsasagawa ng revamp sa city hall
  • WALA PA RIN! Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo na sa ₱335M sa Monday draw
  • Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC
₱500 buwanang ayuda, ipamamahagi na sa Hulyo 4 — DSWD

₱500 buwanang ayuda, ipamamahagi na sa Hulyo 4 — DSWD

July 3, 2022
Kanlaon Volcano, 41 beses yumanig

Kanlaon Volcano, 41 beses yumanig

July 3, 2022
Mayor Honey sa kanyang ama at kay Isko: “Promise, I will make you very proud of me.”

Mayor Honey, hindi magsasagawa ng revamp sa city hall

July 3, 2022
Bentahan ng lotto tickets at iba pang PCSO digit games sa MM, suspendido na simula ngayong Biyernes dahil sa ECQ

WALA PA RIN! Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo na sa ₱335M sa Monday draw

July 3, 2022
Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC

Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC

July 3, 2022
Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec

Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec

July 3, 2022
Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’

Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’

July 3, 2022
Motorsiklo at owner-type jeep, nagkabanggaan: Rider, patay; 3 pa, sugatan

Rider, patay; siklista, sugatan sa banggaan sa Rizal

July 3, 2022
Sen. Imee, ipinagtanggol si PBBM sa pag-veto nito sa panukalang batas ukol sa Bulacan Airport

Sen. Imee, ipinagtanggol si PBBM sa pag-veto nito sa panukalang batas ukol sa Bulacan Airport

July 3, 2022
Pinoy pole vaulter EJ Obiena, naka-gold sa Jump and Fly sa Germany

Pinoy pole vaulter EJ Obiena, naka-gold sa Jump and Fly sa Germany

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.