• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Catholic priest: Desisyon ng Pinoy sa pagpili ng mga lider ng bansa, irespeto

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 10, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Catholic priest: Desisyon ng Pinoy sa pagpili ng mga lider ng bansa, irespeto

Father Anton Pascual (CARITAS MANILA / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaapela ang isang parting Katoliko sa mga mamamayan na irespeto at igalang ang desisyon ng mga Pilipino sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

Ito ang mensahe ni Father Anton CT Pascual, pangulo ng church-run Radio Veritas, kasabay ng pangunguna ni Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa partial unofficial count ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Fr. Pascual, mahalagang kilalanin ang resulta ng halalan sapagkat isa ito sa mga katangian ng isang malayang lipunan.

“Let’s respect the rule of the majority from a relatively peaceful, clean and credible election. That’s appreciation of the democratic ideals of the foundation of sovereign popular will and rule of law,” pahayag pa ni Fr. Pascual sa panayam sa radyo.

Batay sa partial unofficial count para sa katatapos na May 9 polls,  halos 31-milyong boto na ang nakuha ni Marcos Jr. kumpara sa 14.7-milyong boto lamang na nakuha ni Vice President Leni Robredo.

Nangunguna rin naman ang ka-tandem ni Marcos sa vice presidential race na si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 31.3 milyong boto kumpara sa siyam milyong boto lamang ng pumapangalawang si Senator Kiko Pangilinan.

Una nang nanawagan ang mga pastol ng simbahang katolika sa mananampalataya na igalang at tanggapin ang magiging resulta ng halalan.

Hinimok rin niya ang mga ito na muling magbuklod para sa pagpapanauli lalo na sa mga nagkaroon ng hidwaan dahil sa pagkakaiba ng mga kandidatong sinuportahan.

Sa kasalukuyan patuloy naman ang isinasagawang canvassing ng fourth copy ng election returns ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa University of Santo Tomas (UST).

Umaasa naman ang simbahan na mangibabaw ang katotohanan at katarungan sa isinagawang 2022 national and local elections sa kabila ng mga naiulat na aberya dulot ng mga depektibong Vote Counting Machines (VCMs). 

Tags: Father Anton CT Pascualradio veritas
Previous Post

3 MRs sa DQ cases, at isang apela para sa kanselasyon ng COC ni BBM, ibinasura ng Comelec

Next Post

VP Leni, muling nagpasalamat: ‘Alam kong pinoproseso pa ninyo ang mga pangyayari kahapon’

Next Post
Robredo, suportado ng mahigit 200 Filipino UN retirees

VP Leni, muling nagpasalamat: 'Alam kong pinoproseso pa ninyo ang mga pangyayari kahapon'

Broom Broom Balita

  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
  • Patawa raw? Netizens, kinuyog ang ‘Outstanding Comedian of the Year’ award ni Juliana Parizcova
  • Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa
  • Student-athlete na nag-collapse sa isang football varsity game, patay!
  • Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.