• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Willie Revillame, bumulaga sa UniTeam miting de avance

Richard de Leon by Richard de Leon
May 8, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Willie Revillame, bumulaga sa UniTeam miting de avance

Willie Revillame at Sara Duterte (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga celebrity na nagtungo sa miting de avance ng UniTeam nina presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte, ay si Wowowin host Willie Revillame, sa Fronting Solaire, Parañaque City, nitong Mayo 7 ng gabi.

Ibinahagi ni Willie ang kaniyang speech sa UniTeam supporters na dumalo sa miting de avance.

“Nandito ako, walang halaga, walang presyo ito, pinag-isipan ko ‘tong mabuti, ayaw kong ma-involve sa politika,” panimula ng host.

Muli niyang pinagdiinan at muli niyang binalikan ang mga panahong hinihikayat siya nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go na tumakbong senador.

Aniya, hindi raw siya puwedeng tumakbong senador dahil hindi niya kayang maging senador.

“Hindi ako puwedeng maging senador. Hindi ko kayang maging senador. Kung ano lang ang kakayanan ko, iyon lang ang gagawin ko. Mahirap lokohin ang sarili ko, at sayang ang boto ninyo para sa akin. Kaya kong magsilbi kahit wala akong posisyon, kaya kong tumulong… sa sarili ko pinaghihirapan… iyon ang kaligayahan ko,” ani Willie.

Ang nais lamang daw ni Willie ay makita niyang masaya ang mga tao, lalo na sa hirap ng buhay ngayon.

Sa halos ilang dekada umano niyang pamamayagpag sa telebisyon lalo na sa noontime show, magmula sa ABS-CBN, TV5, at GMA Network, alam na raw niya ang mga karaniwang hinihingi o pinoproblema ng mga tao: gamot, pagkain, at kinabukasan ng mga anak nila.

Nanawagan si Willie sa mga botante na kilatising mabuti ang mga politikong nangangampanya at ipagdasal ang desisyong kanilang gagawin.

Kaya raw napili ni Willie ang dumalo at suportahan ang UniTeam ay dahil sa “unity” o pagkakaisa. Kahit daw maraming mga sinasabi at ibinabato laban sa kanila ay tuloy-tuloy lamang daw ang ginagawa nilang pagtulong.

Inawit din ni Willie ang ginawa nilang kanta ni Vehnee Saturno na “Sara Ikaw Na Nga” para sa kaniyang ineendorsong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Hayagan ang pagsuporta ni Willie kay Inday Sara noon pa man.

Tags: Sara Ikaw na NgaUniTeamwillie revillame
Previous Post

Angge, muling ibinahagi ang campaign video para sa tamang pagboto: “‘Wag magpapabudol”

Next Post

Sharon, may mensahe kina BBM, Sara Duterte, at Tito Sotto

Next Post
Sharon, may mensahe kina BBM, Sara Duterte, at Tito Sotto

Sharon, may mensahe kina BBM, Sara Duterte, at Tito Sotto

Broom Broom Balita

  • Mga staff na nagkamali sa inireklamong pizza order ni Julius Babao, di masisibak sa trabaho
  • ‘Ride safe, Rody! Sen. Bong Go, ibinida ang pribadong pamumuhay ni dating Pangulong Duterte
  • ‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel
  • ‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’
  • DOH, nakapagtala na ng mahigit 1,000 kaso ng leptospirosis sa bansa
Mga staff na nagkamali sa inireklamong pizza order ni Julius Babao, di masisibak sa trabaho

Mga staff na nagkamali sa inireklamong pizza order ni Julius Babao, di masisibak sa trabaho

August 10, 2022
‘Ride safe, Rody! Sen. Bong Go, ibinida ang pribadong pamumuhay ni dating Pangulong Duterte

‘Ride safe, Rody! Sen. Bong Go, ibinida ang pribadong pamumuhay ni dating Pangulong Duterte

August 10, 2022
‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel

‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel

August 9, 2022
‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’

‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’

August 9, 2022
DOH, nag-iimbestiga na ukol sa spam messages; contract tracing, magpapatuloy

DOH, nakapagtala na ng mahigit 1,000 kaso ng leptospirosis sa bansa

August 9, 2022
Lider ng isang gun for hire group na nag-ooperate sa Tarlac at Pampanga, nabitag

Lider ng isang gun for hire group na nag-ooperate sa Tarlac at Pampanga, nabitag

August 9, 2022
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

924 pang bagong kaso ng Omicron subvariants, natukoy ng DOH sa Pinas

August 9, 2022
VM Lacuna, nanawagan ng respeto para sa LGBTQ+ community

Best health care service para sa Manileño hanggang sa taong 2030, target ni Mayor Honey

August 9, 2022
‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

August 9, 2022
Metro Manila, ‘prime candidate’ para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes — CHED

Pagtaas ng Covid-19 cases sa pagbabalik ng F2F classes, posible!

August 9, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.