• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Toni Gonzaga sa BBM-Sara supporters: “Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan”

Richard de Leon by Richard de Leon
May 7, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Toni Gonzaga sa BBM-Sara supporters: “Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan”

Toni Gonzaga-Soriano at poster ng UniTeam miting de avance (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Muling lumahok si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano sa ‘Miting De Avance’ ng UniTeam na ginanap sa Tagum, Davao del Norte noong Mayo 5.

Inawit ni Toni ang OPM song na ‘Umagang Kay Ganda’ na isa sa mga ginamit na signature song ng tambalang Bongbong Marcos, Jr. at Sara Duterte.

Nagbigay naman siya ng mensahe sa mga tagasuporta ng BBM-Sara.

“Pinaghandaan ko talaga ang Tagum, Davao De Norte dahil baluwarte ito ng ating susunod na bise presidente Inday ‘Sara’ Duterte,” ani Toni.

Inihambing pa ni Toni sa slit ng kaniyang pulang evening gown ang mga resulta ng survey na pabor sa BBM-Sara tandem.

“Pasensya na po kayo ang taas ng slit. Parang si BBM-Sara. Ang taas sa lahat ng survey!”

Hinikayat ni Toni ang taumbayan na bumoto sa darating na halalan.

“Ang tunay na laban sa halalan na ito ay hindi nasusukat sa mga paninira ninyo o sa ibang kandidato sa entablado. Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan kung saan hindi na boses ko, boses ng kahit sino, o kahit na sinong kandidato ang maririnig ninyo. Dahil mamamayagpag na ang boses ng sambayanang Pilipino.”

“Kaya bumoto po tayo pagdating ng Mayo nuwebe,” giit pa ng actress-TV host.

“Kaya sabay-sabay po nating iboto ang susunod na bise-presidente ng Pilipinas Inday Sara Duterte at ang susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas Bongbong Marcos!”

Hayagang ipinakita ni Toni at maging ng kaniyang mister na si Direk Paul Soriano ang pagsuporta nila sa UniTeam bago pa man magsimula ang mga kampanya.

Tags: Toni Gonzaga-SorianoUniTeam
Previous Post

Mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli, walang ineendorsong kandidato—Viva Artists Agency

Next Post

Toni Gonzaga, magrereyna na nga ba sa AMBS?

Next Post
Toni Gonzaga, magrereyna na nga ba sa AMBS?

Toni Gonzaga, magrereyna na nga ba sa AMBS?

Broom Broom Balita

  • Ka Leody, nanawagan para sa kanyang naging political partner: ‘PALAYAIN SI WALDEN BELLO!’
  • DOH, nakapagtala ng 27,331 bagong kaso ng Covid-19 cases nitong nakalipas na linggo
  • 1 patay, 8 sugatan sa isang road accident sa Aritao, Nueva Vizcaya
  • Scholarship program ng Pasig gov’t, mas pinalawak
  • Rider na nagtangkang umiwas sa checkpoint, timbog dahil sa bitbit na sachet ng shabu
Ka Leody, nanawagan para sa kanyang naging political partner: ‘PALAYAIN SI WALDEN BELLO!’

Ka Leody, nanawagan para sa kanyang naging political partner: ‘PALAYAIN SI WALDEN BELLO!’

August 9, 2022
Auto Draft

DOH, nakapagtala ng 27,331 bagong kaso ng Covid-19 cases nitong nakalipas na linggo

August 8, 2022
1 patay, 8 sugatan sa isang road accident sa Aritao, Nueva Vizcaya

1 patay, 8 sugatan sa isang road accident sa Aritao, Nueva Vizcaya

August 8, 2022
Scholarship program ng Pasig gov’t, mas pinalawak

Scholarship program ng Pasig gov’t, mas pinalawak

August 8, 2022
Paghahanap sa nawawalang pulis-Isabela, nagpapatuloy

Rider na nagtangkang umiwas sa checkpoint, timbog dahil sa bitbit na sachet ng shabu

August 8, 2022
Pagbibigay-pugay ni Lea Salonga: ‘You were one of a kind, Cherie’

Pagbibigay-pugay ni Lea Salonga: ‘You were one of a kind, Cherie’

August 8, 2022
Cristy Fermin, kinontra si  Vince Tañada: ‘Maid in Malacañang,’ ‘pinakain ng alikabok’ ang ‘Katips’

Cristy Fermin, kinontra si Vince Tañada: ‘Maid in Malacañang,’ ‘pinakain ng alikabok’ ang ‘Katips’

August 8, 2022
Mungkahing headquarters, pakikinabangan ng publiko — Comelec chief

Mungkahing headquarters, pakikinabangan ng publiko — Comelec chief

August 8, 2022
Dating Vice Presidential bet Walden Bello, timbog sa cyber libel sa QC

Dating Vice Presidential bet Walden Bello, timbog sa cyber libel sa QC

August 8, 2022
RnB Olympics! Kyla, pinalagan ang bagong komplikadong kanta ni Beyonce

RnB Olympics! Kyla, pinalagan ang bagong komplikadong kanta ni Beyonce

August 8, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.