• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Toni Gonzaga, magrereyna na nga ba sa AMBS?

Richard de Leon by Richard de Leon
May 7, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Toni Gonzaga, magrereyna na nga ba sa AMBS?

Toni Gonzaga-Soriano at Manny Villar (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naungkat na naman ang posibleng pagkakaroon ng programa ni Toni Gonzaga-Soriano sa bagong network na pagmamay-ari ng dating senador na si Manny Villar—ang Advance Media Broadcasting System o AMBS, na matunog na pamumunuan umano ni Willie Revillame.

Iyan ang naging usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa May 6 episode ng kanilang radio program na ‘Cristy Ferminute’ na napapanood din sa YouTube channel at Cignal. Pambubuking ni Cristy ay mukhang tutuloy na nga si Toni sa AMBS matapos niyang magbitiw bilang main host ng ‘Pinoy Big Brother’ sa ABS-CBN.

“Si Toni Gonzaga po laging sinasabihan ng mga kalaban niya sa entablado de kampanya na wala na raw po siyang maasahan mula sa ABS-CBN. Nagbitiw na siya bilang host, di ba ng Pinoy Big Brother.

“Naku, mukhang mabibigo po kayo! Ngayon pa lang po ay balitang-balita na dalawang programa po kaagad ang pagre-reynahan niya sa bagong network na bubuksan ni Senador Manny Villar,” sey ni Cristy.

“Ngayon pa lang ay naka-plantilla na kaagad ang kinabukasan. Sabagay po, pana-panahon naman po ‘yan. Maaaring ‘yung kawalan sa ating buhay, karagdagan naman dito sa kanan ganoon naman ‘yun, eh, di ba? Kapag may nawala, may papalit, kapag may nagsaradong pintuan, may nagbubukas na bintana at kung minsan buhos pa nga dahil buong bubong ang nagbubukas.”

Sey naman ni Romel, nakakatuwa raw si Toni dahil hindi nanindigan ito sa prinsipyong kaniyang ipinaglalaban, na pagpapakita ng suporta sa UniTeam, lalo na kina presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos, Jr. at running mate nitong si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Hayagan din ang pagpapakita nila ng suporta sa kanilang kaibigang si dating DPWH Secretary at tumatakbong senador sa UniTeam slate na si Mark Villar.

Pinuri naman ni Cristy ang pananatiling tahimik ni Toni sa kabila ng pagbatbat ng mga basher sa kaniya, dahil sa suporta niya sa UniTeam.

“Gusto ko ‘yun kasi alam niya na oras na sinagot niya ‘yung mga bashing manganganak nang manganganak ‘yun at hahaba nang hahaba at dadami pa ang mga isyu kaya mas maganda tahimik na lang. Iyon ang pinakamagandang paraan ngayon, tahimik na lang!”

Sa ngayon ay walang programa sa telebisyon si Toni, bagama’t aktibo siya sa kaniyang ‘ToniTalks’.

Tags: Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS)Cristy Ferminmanny villarToni Gonzaga-Soriano
Previous Post

Toni Gonzaga sa BBM-Sara supporters: “Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan”

Next Post

Barbie Imperial, nandiri ba nang abutan ng ‘shot puno’ habang nagka-caravan?

Next Post
Barbie Imperial, nandiri ba nang abutan ng ‘shot puno’ habang nagka-caravan?

Barbie Imperial, nandiri ba nang abutan ng 'shot puno' habang nagka-caravan?

Broom Broom Balita

  • PBBM sa kaniyang inaugural speech: ‘I offended none of my rivals in this campaign’
  • Netizens, sabik na para sa susunod na episodes ng ‘Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask!’
  • Senadora Imee, dinisenyo ang sariling gown na isinuot sa inagurasyon ni PBBM
  • Mayor Honey sa kanyang ama at kay Isko: “Promise, I will make you very proud of me.”
  • Mariel, nagpakita ng suporta kay Toni: ‘June 30 is your victory as well!’
Netizens, sabik na para sa susunod na episodes ng ‘Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask!’

Netizens, sabik na para sa susunod na episodes ng ‘Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask!’

June 30, 2022
Senadora Imee, dinisenyo ang sariling gown na isinuot sa inagurasyon ni PBBM

Senadora Imee, dinisenyo ang sariling gown na isinuot sa inagurasyon ni PBBM

June 30, 2022
Mayor Honey sa kanyang ama at kay Isko: “Promise, I will make you very proud of me.”

Mayor Honey sa kanyang ama at kay Isko: “Promise, I will make you very proud of me.”

June 30, 2022
Mariel, nagpakita ng suporta kay Toni: ‘June 30 is your victory as well!’

Mariel, nagpakita ng suporta kay Toni: ‘June 30 is your victory as well!’

June 30, 2022
Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler

Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler

June 30, 2022
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang– DOTr

June 30, 2022
Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

June 30, 2022
‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

June 30, 2022
Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

June 30, 2022
PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

June 30, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.