• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Gladys Reyes, tumindig sa desisyon ng INC, nilinaw ang isyu tungkol sa pagsusuot ng pink outfit

Richard de Leon by Richard de Leon
May 7, 2022
in Showbiz atbp.
0
Gladys Reyes, tumindig sa desisyon ng INC, nilinaw ang isyu tungkol sa pagsusuot ng pink outfit

Gladys Reyes (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kamakailan lamang ay napabalita ang pag-urirat ng mga netizen sa actress-host na si Gladys Reyes tungkol sa pagsusuot niya ng pink outfit noong Abril 25 sa kaniyang Instagram post, para sa mothers’ day special ng taping ng ‘All-Out Sundays’ o AOS, ang noontime musical variety show ng GMA Network.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/01/gladys-reyes-nagsuot-ng-pink-outfit-urirat-ng-mga-netizen-kakampink-ba-siya/

“Work mode… All Out Sundays taping,” sey ni Gladys sa caption. Makikitang nakasuot siya ng pink outfit, pinasalamatan ang mga gumawa ng kaniyang hair, make-up, at style niya.

Pinuri naman siya ng mga netizen dahil kahit nasa 40s na siya at isang working mom at asawa ay glowing pa rin si Gladys.

“You look stunning in pink. Real talk lang po… totoo namang maganda yung outfit and color… bumagay sa beauty niya…”

“So pretty in pink!”

“Pretty as always!”

“Parang dalaga lang. Well done!”

“Beautiful Ms. Clara!”

Maging ang mga senior stars na sina Chanda Romero at Carmi Martin ay napakomento rin sa kaniya.

“Fresh!! Bilib ako sa loyalty ni @mamarhayedelacruz,” sey ni Chandra na tumutukoy sa gumawa ng hair and make-up ni Gladys.

Papuri naman ni Carmi, “Super love it! Winner ka talaga bff parang walang apat na anak sa katawan.”

Samantala, may ilang mga netizen naman ang humula na baka isang Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem si Gladys. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan kung sinong kandidato ba ang i-eendorso ng ‘Iglesia ni Cristo’. Isang INC member si Gladys.

“You look good in pink Clara… #rosasAngKulayNgBukas love you Clara batang 90’s.”

“Sana Kakampink…”

“Leni po ba?”

Sa Twitter, ibinahagi rin ito ng ilang mga netizen.

“This was posted 5 days ago. Clara? Ito na ba ang paggalaw ng baso?”

“Gladys Reyes for VP Leni?”

“Nag-pink na si Gladys Reyes. Malakas ang kutob ko na si VP Leni dadalhin ng INC.”

“Wow. After Tunying, now Gladys Reyes. Is this an indicator na INC will support VP Leni??!”

Noong Mayo 3, lumabas na rin ang desisyon ng kinaaanibang religious group ni Gladys, ang ‘Iglesia Ni Cristo’, kung sino-sinong mga kandidato ang susuportahan nila sa darating na halalan. Ito nga ay sina UniTeam standard bearers at dating Senador Bongbong Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

Bukod sa kanilang dalawa, ilan din sa mga senatorial candidate na inendorso nila ay mula sa UniTeam.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.

Kaya naman noong Mayo 5 ay binasag na rin ni Gladys ang kaniyang katahimikan at ipinagtanggol ang desisyon ng INC, at isiningit na rin niya ang paglilinaw sa likod ng kaniyang pink outfit.

“Ako po at ang buo naming pamilya ay mananatiling kaisa ng aming pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo at patuloy na ipatutupad ang kaisahan, dahil ito po ay nakasulat sa banal na kasulatan, sa 1 Corinto 1:10 na ‘wag magkabaha-bahagi at magkaroon ng isa lamang paghatol (o pagboto),” wika ni Gladys.

“Ito po ay ipinatutupad sa loob ng Iglesia sa simula’t simula pa lamang. Huwag din po sana lagyan ng kahulugan ang kulay ng aking kasuotan noong nakaraan, dahil yun lamang ang color motiff para sa Mothers Day Special na aming ginawa at wala na pong ibang ibig sabihin.”

“Ako po ay patuloy na maninindigan sa aking pananampalataya, dumating man ang pag-uusig, di patitinag. Higit sa lahat, sana ay manaig pa rin po ang respeto at pang-unawa sa isa’t isa, magkaiba man po ng pananaw ang iba.”

View this post on Instagram

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)

Nag-react naman dito ang UniTeam supporter na si Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas.

“Nice one kapatid,” wika ni Ai Ai.

Nagpahayag din ng pagsuporta sa desisyon ng INC ang aktor na si Jon Lucas.

“Kaisa ng Pamamahala,” aniya.

Tags: bloc votinggladys reyesiglesia ni cristo
Previous Post

PPCRV, umaasa ng hindi bababa sa 85% voter turnout sa Mayo 9

Next Post

Mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli, walang ineendorsong kandidato—Viva Artists Agency

Next Post
Mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli, walang ineendorsong kandidato—Viva Artists Agency

Mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli, walang ineendorsong kandidato---Viva Artists Agency

Broom Broom Balita

  • F2F oathtaking para sa bagong sanitary engineers, kasado na
  • Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary
  • Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’
  • ‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan
  • PBBM, dapat unahin ang mga isyu sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong sanitary engineers, kasado na

September 25, 2023
Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

September 25, 2023
Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

September 25, 2023
‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan

‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan

September 25, 2023
PBBM, dapat unahin ang mga isyu sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey

PBBM, dapat unahin ang mga isyu sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey

September 25, 2023
Beauty Gonzalez, ‘nakigulo’ sa isang mall sa Cebu

Beauty Gonzalez, ‘nakigulo’ sa isang mall sa Cebu

September 25, 2023
Erik Santos, ipagpapatuloy ang legasiyang naiwan ng ama

Erik Santos, ipagpapatuloy ang legasiyang naiwan ng ama

September 25, 2023
Higit ₱800K halaga ng iligal na droga nasamsam ng Central Luzon police

Higit ₱800K halaga ng iligal na droga nasamsam ng Central Luzon police

September 25, 2023
Sandara Park may ‘reklamo’ sa ABS-CBN

Sandara Park may ‘reklamo’ sa ABS-CBN

September 25, 2023
₱125-M confidential funds ng OVP, ginastos sa loob ng 11 araw – Quimbo

₱125-M confidential funds ng OVP, ginastos sa loob ng 11 araw – Quimbo

September 25, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.