• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

933K depektibong balota, sinira ng Comelec

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 7, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
933K depektibong balota, sinira ng Comelec

Photo courtesy: Comelec/Twitter

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mahigit sa 933,000 depektibo at roadshow ballots at iba pang accountable forms ang sinimulan nang sirain ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Mismong si Comelec Commissioner George Garcia ang nanguna sa pagsira ng 933,311 ballota, kabilang dito ang 586,988 official ballots.

Nabatid na kabilang sa mga sinira ay ang mga roadshow ballots o yaong mga balota na ginamit sa isinagawang testing ng mga vote-counting machines (VCMs) na gagamitin sa halalan.

Sinira rin ang mga official ballots na may iba’t ibang depekto, gaya nang pagkakaroon ng dumi, mali ang kulay, mali ang sukat, mali ang tabas at iba pa.

Inilagay ang mga balota sa industrial cutting machines at itatapon ang mga ito matapos ang halalan sa Lunes, Mayo 9.

Nabatid na ang aktibidad ay isasagawa araw-araw mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi hanggang sa susunod na linggo.

Kabilang din sa sumaksi sa pagsira sa mga balota ay sina acting spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, Comelec printing committee vice chair Helen Aguila-Flores, at mga kinatawan ng mga Partido political at mga citizens’ groups, mga miyembro ng media, at iba pang stakeholders.

Matatandaang ang ballot printing ay isinagawa ng Comelec mula Enero 22 hanggang Abril 4, kung kailan, kabuuang 67,442,660 official ballots ang naimprenta.

Mary Ann Santiago

Tags: balotacomelec
Previous Post

Unang pasabog ni Hannah Arnold sa Miss International, aprub sa fans!

Next Post

₱32.8 bilyong kita, naitala ng PhilHealth noong 2021

Next Post
‘PhilHealth holiday’ sa Enero 1-5, isinusulong ng grupo ng mga pribadong ospital

₱32.8 bilyong kita, naitala ng PhilHealth noong 2021

Broom Broom Balita

  • ₱500 buwanang ayuda, ipamamahagi na sa Hulyo 4 — DSWD
  • Kanlaon Volcano, 41 beses yumanig
  • Mayor Honey, hindi magsasagawa ng revamp sa city hall
  • WALA PA RIN! Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo na sa ₱335M sa Monday draw
  • Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC
₱500 buwanang ayuda, ipamamahagi na sa Hulyo 4 — DSWD

₱500 buwanang ayuda, ipamamahagi na sa Hulyo 4 — DSWD

July 3, 2022
Kanlaon Volcano, 41 beses yumanig

Kanlaon Volcano, 41 beses yumanig

July 3, 2022
Mayor Honey sa kanyang ama at kay Isko: “Promise, I will make you very proud of me.”

Mayor Honey, hindi magsasagawa ng revamp sa city hall

July 3, 2022
Bentahan ng lotto tickets at iba pang PCSO digit games sa MM, suspendido na simula ngayong Biyernes dahil sa ECQ

WALA PA RIN! Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo na sa ₱335M sa Monday draw

July 3, 2022
Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC

Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC

July 3, 2022
Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec

Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec

July 3, 2022
Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’

Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’

July 3, 2022
Motorsiklo at owner-type jeep, nagkabanggaan: Rider, patay; 3 pa, sugatan

Rider, patay; siklista, sugatan sa banggaan sa Rizal

July 3, 2022
Sen. Imee, ipinagtanggol si PBBM sa pag-veto nito sa panukalang batas ukol sa Bulacan Airport

Sen. Imee, ipinagtanggol si PBBM sa pag-veto nito sa panukalang batas ukol sa Bulacan Airport

July 3, 2022
Pinoy pole vaulter EJ Obiena, naka-gold sa Jump and Fly sa Germany

Pinoy pole vaulter EJ Obiena, naka-gold sa Jump and Fly sa Germany

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.