• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tumatakbong kongresista na si Arjo Atayde, inendorso ng INC

Richard de Leon by Richard de Leon
May 5, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Tumatakbong kongresista na si Arjo Atayde, inendorso ng INC

Arjo Atayde at templo ng Iglesia ni Cristo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inendorso ng religious group na ‘Iglesia ni Cristo’ si Kapamilya actor at tumatakbong kongresista sa unang distrito ng Quezon City na si Arjo Atayde.

Masayang ipinaabot ni Arjo ang kaniyang pasasalamat sa pamunuan ng INC.

“I thank INC from the bottom of my heart for trusting and supporting my dream to serve my kababayans in QCD1,” na laging numero uno sa survey sa district 1 ng QC.

“We only have a few days left before the elections, and I am encouraging everyone to vote wisely. The future is in our hands, and may the Lord bless the upcoming elections. It is my prayer to have a peaceful and honest elections, and may the most deserving leaders be elected to lead us for the betterment of our lives.”

Kasama si Arjo sa #TeamAksyonAgad sa ilalim ng kumakandidato at kasalukuyang mayor ng QC na si Mayor Joy Belmonte.

Buo ang suporta ng kaniyang pamilya at mga kaibigan sa showbiz sa pagtakbong ito ni Arjo. Makikitang nag-perform sa sortie niya sina Ynez Veneracion, Eric Nicolas, KD Estrada, at Bayani Agbayani.

Ginamit ni Arjo ang tagline ng ABS-CBN noong Pasko, ang ‘Andito Tayo Para sa Isa’t isa’.

Inamin ng kaniyang inang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na noong una ay nag-agam-agam siya sa desisyon ng anak, subalit nakita niya ang sinseridad nitong makatulong sa mga kababayan, kaya sa huli ay sinuportahan niya ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/28/sylvia-sa-kampanya-ni-arjo-old-school-yung-pangangampanya-na-siraan-mo-yung-kalaban-mo/

Kaya matindi ang pasasalamat ni Arjo sa kaniyang inang si Sylvia sa all-out support nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/30/arjo-atayde-sa-suporta-ng-ina-sa-kanyang-pagsabak-sa-politika-i-truly-appreciate-your-time-love/

Bitbit ni Arjo bilang plataporma ang pagbibigay-tuon sa sektor ng edukasyon, trabaho, healthcare, karapatan ng kababaihan, kabataan, at LGBTQ+ community.

Samantala, bukod kay Arjo ay opisyal nang inihayag ng INC noong Martes, Marso 3, na ang susuportahan nila sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo ay sina dating Senador Bongbong Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, gayundin ang ilan sa mga kasamahan nilang kandidato sa pagkasenador sa UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/

Ang mga inendorso nila sa pagkasenador mula sa UniTeam ay sina dating Senador Jinggoy Estrada, re-electionist Senador Sherwin Gatchalian, Antique Rep. Loren Legarda, dating DPWH Secretary Mark Villar, at re-electionist Senador Juan Miguel Zubiri. 

Ang iba pang senador na inendorso ng INC ay sina dating Bise Presidente Jejomar Binay, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, retired PNP Chief Guillermo Eleazar, dating Senador JV Ejercito, Sorsogon Gov. Francis Escudero, aktor Robin Padilla, at re-electionist Senador Joel Villanueva.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/5-kandidato-sa-senatorial-slate-ng-uniteam-pasok-sa-listahan-ng-inc/

Sa tuwing may pambansang halalan, inaabangan ang i-eendorso ng naturang religious group.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/04/bakit-nga-ba-hinihingi-ng-mga-kandidato-ang-endorsement-ng-inc/

Malaki umano ang impluwensya ng INC pagdating sa larangan ng politika hindi dahil sila ang pinakamarami o pinakamalaki kung hindi dahil kilala sila sa kanilang “bloc-voting” na kung saan inaasahan na iboboto ng mga miyembro nito ang kanilang mga inendorsong kandidato.

Tags: Arjo Ataydecongressman cnadidateiglesia ni cristoQuezon City District 1
Previous Post

Heart, dinurog ang basher na sinabihan siyang parang baliw, walang anak na mapagkaabalahan

Next Post

Lolit, sinita ang mga ‘gimmick’ ni Blythe: “Maging brilliant sana ang Andrea Brillantes”

Next Post
Lolit, sinita ang mga ‘gimmick’ ni Blythe: “Maging brilliant sana ang Andrea Brillantes”

Lolit, sinita ang mga 'gimmick' ni Blythe: "Maging brilliant sana ang Andrea Brillantes"

Broom Broom Balita

  • Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero
  • ₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA
  • Jordan Clarkson, Kai Sotto, darating sa ‘Pinas next week
  • Sen. Risa sa pagdiriwang ng Int’l Youth Day: ‘Pagsisikapan naming mas paglingkuran pa kayo’
  • ₱36M puslit na sibuyas, nabisto ng BOC sa Misamis Oriental
Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

August 12, 2022
₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

August 12, 2022
Jordan Clarkson, Kai Sotto, darating sa ‘Pinas next week

Jordan Clarkson, Kai Sotto, darating sa ‘Pinas next week

August 12, 2022
Hontiveros: ‘In 2016, we made history. In 2022, we will repeat our victory’

Sen. Risa sa pagdiriwang ng Int’l Youth Day: ‘Pagsisikapan naming mas paglingkuran pa kayo’

August 12, 2022
₱36M puslit na sibuyas, nabisto ng BOC sa Misamis Oriental

₱36M puslit na sibuyas, nabisto ng BOC sa Misamis Oriental

August 12, 2022
Dyosa at 38! Marian Rivera, kabogera sa kaniyang birthday shoot

Dyosa at 38! Marian Rivera, kabogera sa kaniyang birthday shoot

August 12, 2022
Chel Diokno: ‘Masakit lang pala ‘pag may nagsasabing hindi nila ako iboboto dahil hindi ako kasing pogi ni Robin Padilla’

Chel Diokno, pinuri si Sen. Padilla sa pagsusulong nito ng same-sex union sa bansa

August 12, 2022
Joshua Garcia, ‘di jojowain si Jane De Leon?

Joshua Garcia, ‘di jojowain si Jane De Leon?

August 12, 2022
Halos ₱7M napinsala ng volcanic smog sa Batangas — DA

Halos ₱7M napinsala ng volcanic smog sa Batangas — DA

August 12, 2022
7 drug personalities, arestado; P2.5M halaga ng marijuana, sinunog

7 drug personalities, arestado; P2.5M halaga ng marijuana, sinunog

August 12, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.