• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Jaclyn Jose, ipinagtanggol ang INC sa pag-endorso sa BBM-Sara tandem

Richard de Leon by Richard de Leon
May 5, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Jaclyn Jose, ipinagtanggol ang INC sa pag-endorso sa BBM-Sara tandem

Jaclyn Jose at presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos, Jr. (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dinepensahan ng premyado at beteranang aktres na si Jaclyn Jose ang desisyon ng ‘Iglesia ni Cristo’ o INC na i-endorso sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo sina dating Senador Bongbong Marcos, Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ng UniTeam, gayundin ang ilan sa mga kandidato sa pagkasenador na kabilang sa naturang partido.

Naganap ang pag-endorso noong Martes ng gabi, Mayo 3, na natunghayan sa news program na ‘Mata ng Agila Primetime News’ sa INC-owned channel na Net 25.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/

Kaagad na naging trending ito sa online world at marami umano sa mga miyembro ng INC ang mananatiling tagasuporta ng Leni-Kiko tandem, kaya umusbong ang hashtag na #kakampINC.

Kaya naman, agad na ipinagtanggol ni Jaclyn ang naging desisyon ng pamunuan. Bukod sa maka-BBM-Sara ang aktres, isa siyang miyembro ng INC.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/jaclyn-jose-maka-bbm-sara-not-nostradamus-or-anyone-can-dictate-our-future-president/

“I just want (to) defend our vote, watching a channel na parang di na maganda sinasabi sa INC. Na para bang nasa 10 commandments na at foul na talaga. Pasensiya na po… nasasaktan lang… ganun po talaga kami… sobra na po… sana wala namang sakitan ng Religion…” pakiusap ni Jaclyn sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 4.

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

“Wala ako sa posisyong magsalita, may mga leader po kami na makakapagpaliwanag… ganun po talaga kami mga miyembro nagkakaisa… wala na po kayo magagawa. Ang respeto namin ay nasa aming pagkakaisa bilang Iglesia… sorry po… may malalim po kami pag-uunawa ukol sa mga bagay na ito… salamat po.”

Sa comment section ay nagpatuloy pa si Jaclyn. Hindi niya binanggit kung anong channel ang tinutukoy niya na tila masama ang balita tungkol sa kinaaanibang religious group.

“Nagsasalita po bilang Iglesia ni Cristo member… ‘wag masamain, iba po ang utang ko at pasasalamat bilang artista… salamat po… God Bless Us All… safe halalan kung sino manalo respeto po ang aasahan n’yo sa akin.”

Sa halip daw na batikusin ang INC ay subukin daw umanong makinig at dumalo ng mga tao sa kanilang pagsamba.

Bukod sa BBM-Sara, pinangalanan na rin ng INC kung sino-sino sa mga senador ang kanilang inendorso.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/5-kandidato-sa-senatorial-slate-ng-uniteam-pasok-sa-listahan-ng-inc/

Inendorso rin nila ang Kapamilya actor at tumatakbo sa pagka-kongresista ng District 1 sa Quezon City na si Arjo Atayde.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/05/tumatakbong-kongresista-na-si-arjo-atayde-inendorso-ng-inc/

Tags: BBM-saraiglesia ni cristoJacklyn Jose
Previous Post

‘Alay Para Kay Nanay’ activity ng PCOO, idinaos sa Las Piñas

Next Post

Carlo Aquino, napa-react kay Serena Dalrymple; fiance na foreigner, nakilala sa online dating app

Next Post
Carlo Aquino, napa-react kay Serena Dalrymple; fiance na foreigner, nakilala sa online dating app

Carlo Aquino, napa-react kay Serena Dalrymple; fiance na foreigner, nakilala sa online dating app

Broom Broom Balita

  • Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay
  • Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’
  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

August 19, 2022
Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

August 19, 2022
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.